MAJA AT RAMBO: LOVE IS LOVELIER THE SECOND TIME AROUND

MAJA12

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES FABIAN)

 

BLOOMING na blooming ngayon si Maja Salvador at halatang happy matapos makipagbalikan sa  boyfriend na si Rambo Nuñez. Lately ay ipinasilip ni Maja ang kanilang early summer getaway together as they went on a vacation in Amanpulo, Palawan.

Proud na proud ang bagong sweethearts sa kanilang Amanpulo rendezvous na talaga namang ipinost nila at ishinare sa kanilang social media sites. Sa mga larawang ipinost nina Maja and Rambo ay makikita kung gaano sila kasaya at ka-sweet sa isa’t isa. Totoong totoo nga sa kanila ang kasabihang love is lovelier the second time.

Kaya naman marami ang kilig much sa mga caption niya sa mga larawang ipinost. Meron pa siyang…. “This is paradise” na caption at  “My man in Aman.”

Mahahalata mo talaga kung gaano ka-proud si Maja kay Rambo.

Ang wish lang ng kanyang mga fans ay sana sila na nga ang magkatuluyan.

KUYA ESCORT MAY UTANG NA P100-K?

MASUWERTE si Kuya Escort Ion Perez dahil na-link siya kay Vice Ganda kaya hayun, made na agad siya.

Ganun lang kadali para makilala siya ng publiko. Malaking tulong ang exposure niya araw-araw sa “It’s Showtime” para mabilis siyang mapansin at makilala ng mga tao.

At ngayong sikat na siya, heto at lumabas na ang isyung hinahabol siya ng isang gay friend dahil sa utang niyang P100,000? Totoo ba ito, Ion?

Hindi pa man naipapalabas (o ipapalabas pa kaya?) ang sabi’y pag-amin nila ni Vice sa tunay nilang relasyon, ay heto at naiintriga na agad si Kuya Escort.

Kumikita na ngayon si Ion dahil isinasama na siya ni Vice sa mga shows niya abroad kaya kung totoo ngang may nahiram siyang P100k ay kaya na niya itong bayaran. Hindi dapat kabahan ang kanyang gay friend lalo pa’t andyan naman si Vice na siguradong hindi pababayaang makaladkad ang pangalan ni Ion sa halagang P100k lang.

Maneng-mane sa kanya yan, ‘di ba naman Ion?

6

Related posts

Leave a Comment