MAJA BUHAY NA NAMAN ANG LOVE LIFE; EX-BF BINALIKAN

majas2

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES FABIAN)

WALA pang kumpirmasyon mula kay Maja Salvador kung nagkabalikan na nga sila ng dating boyfriend na si Rambo Nuñez,  pero base sa mga larawang pinost nilang dalawa sa social media, walang dudang mukhang may naganap na ngang balikan sa dalawang ito pagkatapos ng siyam na taon.

Base sa impormasyong nakalagay sa posts noong February 21, dumalo si Maja at mga kaibigan sa launch ng isang furniture brand. For sure daw ay ang kompanya ni Rambo ang nag-handle ng event, na presidente ng isang marketing at advertising agency.

Noong February 23,  Maja for the first time posted her photos with rumored boyfriend Rambo. Sa kanyang Instagram page, inilabas niya ang snapshots ng isang formal event na dinaluhan nila. Kung ang mga larawang naka-post ang pagbabasehan ay mukha ngang muling nadugtungan ang romantic relationship ng dalawa. Maja’s rumored boyfriend Rambo also posted a photo of himself and Maja to his Instagram account.

Sinagot ni Maja ang Instagram post na iyon ni Rambo with a kiss emoji, kaya lalong umugong ang speculations. Dahil dito, nag-comment at nang-alaska ang showbiz friends nila tulad nina Maris Racal, Juliana Gomez, Arci Muñoz, Sunshine Cruz. Maging si Lucy Torres na malapit na kaibigan ng mommy ni Rambo ay biniro ang dalawa.

Mukhang nagkabalikan na nga ang dalawa. Kaya naman blooming na blooming ngayon ang isa sa judge ng “World of Dance Philippines” along with Gary Valenciano and Billy Crawford.

20

Related posts

Leave a Comment