MAGMULA noong Typhoon Ondoy noong September 2009, ginawa nang makabuluhan ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang kanyang kaarawan na pumapatak ng October 3. Taun-taun ay sini-celebrate niya ang kanyang kaarawan sa iba’t isang charitable institutions at nitong nakaraang birthday niya, her 29th, ay nagkaroon siya ng belated birthday community outreach program in Valenzuela sa tulong ng LGUs, Philippine Navy, TESDA at ibang well-meaning friends. Bukod sa nagkaroon siya ng pamamagitan ng bags at story book reading para sa mga bata at Zumba para sa mga nanay , kiddie game shows, nagkaroon din ng libreng gupit at free eye check-up at free eyeglasses.
Ayon kay Rhian, nanghihingi umano siya sa donasyon para ibahagi sa mga taong nangangailangan lalung-lalo na ang mga bata. Sa halip na regalo para sa kanya ay pinaku-convert niya itong donasyon para maipamahagi niya sa kanyang kaarawan.
Samantala, malapit nang muling mapanood si Rhian sa isang bagong drama series sa Kapuso Network, ang “Love of My Life” na pinagsasamahan nila nina Carla Abellana, Tom Rodriguez,Mikael Daez at Coney reyes.
KAUNAN-UNAHANG NOBLE QUEEN OF THE UNIVERSE SI PATRICIA
Si Patricia Javier ang tinanghal na kauna-unahang Noble Queen of the Universe sa coronation night na ginanap sa Grand Ballroom ng Manila Hotel nung nakaraang linggo, December 1, 2019. Bago ang pageant night ay tinanghal din siyang Darling of the Press during the presentation ng 20 candidates sa first Noble Queen of the Universe (Philippines-Luzon)na ginanap sa Rotary Center in Quezon City. Bukod sa major crown, nakakuha rin si Patricia ng tatlo pang special awards at kasama na rito ang Best in National Costume.
Health and wellness ang adbokasiya ni Patricia maging ng kanyang mister na si Doc Rob Walcher.
The pageant night was hosted by Marissa Sanchez and John Nite plus two others.
Bukod kay Patricia, ang iba pang winners ay sina Marie France Imelda `Maffi’ Papin Carrion as Noble Queen International (Philippines – Bicol). Si Beau Singson Villanueva (Australia) ang tinanghal na Noble Queen Globe, si Anna Rabtsun Baylosis (Russia) ang nanalong Noble Queen Tourism habang si Jill Champamn (West Coast – USA) naman ang tinanghal na Noble Queen Earth. 1st runner-up naman si Richell Catt ng Guam at 2nd runner up si Sylvia Kim ng Korea.
Bago ang Noble Queen of the Universe ay tinanghal na Mrs. Universe Philippines si Patricia but failed to represent the Philippines sa international competition dahil sa conflict ng kanyang schedule dahil paalis siya patungong San Diego, USA with her family for the Christmas holidays. Sa January 2, 2020 na ang balik ng Pilipinas si Patricia at ng kanyang pamilya.
MAKE YOUR NANAY PROUD; NANAY LISING, 90
Sobrang naging emotional ang King of Talk na si Eugenio `Boy’ Abunda, Jr. sa pagpanaw ng kanyang mahal na ina na si Gng. Licerna Capito Romerica-Abunda or Nanay Lising to a lot of people na sumakabilang-buhay last Sunday morning sa edad na 90. She could have been 91 on January 1, 2020 pero hindi na siya umabot doon.
Nanay Lising was in and out of the hospital, na siyang dahilan kung bakit malungkot si Boy nitong mga nakaraang araw. Sobrang very close si Boy sa kanyang ina na isang retired teacher at nanilbihang 1st councilor ng tatlong termino sa Borongan City, Eastern Samar at isang termino as vice-mayor mula 2004 hanggang 2007 at pagkatapos nito ay pumalit na sa kanya ang kanyang panganay na anak na si Marie Fe Abunda na nanilbihan ding mayor ng Borongan sa loob ng tatlong termino o nine years at ngayon ay kinatawan ng Eastern Samar sa unang pagkakataon.
Si Nanay Lising ang dahilan kung bakit parating sinasabi ni Boy sa closing ng kanyang programa ang “Make your Nanay proud” na siya ring naging titulo ng kanyang libro na inilabas nung 2014.
Ang wake ni Nanay Lising ay sa Arlington Memorial Chapels along Araneta Avenue in Quezon City.
THE BUZZ IBABALIK NA
Hanggang ngayon ay marami pa ring ang humihiling na sana’y ibalik sa ere ang top-rating showbiz oriented talk show ng ABS-CBN, ang “The Buzz” sa kabila na halos lahat na ng mga celebrities ay may kani-kanyang YouTube channel na. Ipa pa rin kasi ang live guestings sa programa ng mga celebrities laluna yung nai-involve sa iba’t ibang kontrobersiya.
At kung saka-sakali ito’y ibabalik, malamang na sina Boy Abunda at Toni Gonzaga pa rin ang mag-host dahil sila ang mga hosts ng “The Buzz” bago ito tuluyang nagpaalam sa ere in 2014.
Toni admits na marami umano siyang natutunan sa King of Talk nung sila’y magkasama pa sa “The Buzz” laluna ang unconditional nitong pagmamahal na ipinaktia sa kanyang ina, ang namayapang si Nanay Lising Abunda.
150