Itsinika ni Jessy Mendiola sa press conference kamakailan na dumanas siya ng matinding depression, kundi man nabawasan ang self-confidence, dahil sa natanggap na “memo” mula sa kanyang home network sanhi ng kanyang halatang pananaba.
“Yes, it’s true. A year ago or two years ago. It’s proof na you can’t get work if you gain weight. That’s how society works,” diin ni Jessy. “I got very depressed. Parang dumating ako sa point na, ‘Ah, ito na lang pala din talaga ’yong halaga ko. Kung hindi ako sexy, wala akong projects or hindi nila ako makikita as who I am…”
Buti na lang, nalampasan ni Jessy ang dinanas niyang depresyon at nanumbalik na sa kanyang sexy figure.
Magpapasalamat ang aktres sa tuluy-tuloy niyang pagtitiyaga sa kanyang fitness journey.
In her recent Instagram post, makikita ang mga larawan na nagpapakita ng kanyang pantalon na malaki ang iniluwag.
Kasama ring nakapost ang achieve na achieve na flat tummy dahil nga sa pagpapapayat niya. “I wanted to feel good so I started being healthy. Add-on na lang ’yung pagpapapayat. I understand naman kasi na it’s part of our job to stay in shape and to look our best,” aniya.
Binansagan si Jessy na “PataQueen” ng bashers.
Ang body shaming bang ito ang nag-motivate sa kanya para magbawas ng timbang? “Gusto ko lang talagang alagaan ang sarili ko,” sambit niya.
In the coming days, we will see more of Jessy Mendiola dahil sa kanyang pagbabalik sa big screen sa pelikulang The Girl in the Orange Dress na isang official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).
172