NGAYONG pasok na sa grand finals ng “America’s Got Talent: The Champions” ang Filipino singer na may split voice na si Marcelito Pomoy, umaasa ang apat na judges ng AGT na sina Simon Cowell, Howie Mandel, Heidi Klum at Alesha Dixon at ang kanyang mga kababayan na siya ang magiging kauna-unahang grand winner ng AGT: The Champions kung saan ang mga kalahok ay mga champion ng iba’t ibang competitions na nagmula sa iba’t ibang bansa.
Malakas ang laban ni Marcelino against his co-grand finalist dahil bukod sa namumukod tangi ang kanyang kakaibang talent, malakas din ang suporta sa kanya ng studio audience maging sa text votes.
Kailangan lang talaga paghandaan nang husto ni Marcelito ang kanyang choice of song sa grand finals night.
Dahil sa pagkakapasok ni Marcelito sa grand finals ng AGT: The Champions, muling na highlight ang husay ng Pinoy talent sa international audience.
BALIK-TAMBALAN NINA BELA AT JC, NAKA-P6.2-M SA OPENING
Naka-P6.2M ang pelikulang “On Vodka, Beers and Regrets” na balik-tambalan nina Bela Padilla at JC Santos nang ito’y magbukas sa mga sinehan last February 5. Ang nasabing pelikula ay ikatlong team-up na bale ng dalawa na nagsimula in 2017 sa pamamagitan ng kanilang hit movie na “100 Tula Para Kay Estela” na siyang nanguna sa kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na sinundan ng kanilang “The Day After Valentine’s” na siya ring nag-number 1 sa ikalawang PPP in 2018.
Although kasama rin sina Bela at JC sa 2019 Metro Manila Film Festival blockbuster movie na “Miracle in Cell No. 7” na pinagbidahan nina Aga Muhlach at childstar na si Xia Vigor, hindi sila ang magkatambal at never din sila nagkaroon ng eksena sa pelikula kaya ang “On Vodka, Beers and Regrets” mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor, ang kanilang pangatlong team-up.
Ayon sa big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario, posible umanong pumalo sa mahigit P100M ang latest starrer nina Bela at JC na muling magtatambal sa part 2 ng “100 Tula Para Kay Estela” na muling pamamalaan ng writer-director na si Jason Paul Laxamana. Malamang na isali rin ang nasabing pelikula sa ika-4th PPP this August or September 2020.
Ayon kay Direk Irene, kakaiba umano ang chemistry nina Bela at JC onscreen.
Habang palabas sa mga sinehan ang “On Vodka, Beers and Regrets” ay excited naman si JC sa nalalapit na paglabas ng kanilang magiging unang supling ng kanyang non-showbiz wife na si Shyleena Herrera na isang girl.
Si Shyleena ay nakatakdang magsilang anytime this month.
JC DE VERA IKAKASAL NA
Any day soon ay nakatakdang ikasal ang Kapamilya actor na si JC de Vera sa ina ng kanyang more than one-year-old child na si Lana Athena, ang kanyang non-showbiz fiancée na si Rikka Cruz.
Nakapag-shoot na sina JC at Rikka para sa kanilang pre-nup pictorial na ginanap sa Intramuros, Manila.
Ayaw pa lamang mag-share ang dalawa kung kelan at saan gaganapin ang kanilang kasal.
Ang magiging kakaiba sa nalalapit na pag-iisang dibdib nina JC at Rikka, hindi tatayong flower girl ang kanilang anak na si Lana kundi `pakakasalan’ din ito ni JC at maglalakad din patungong altar kasama ang dalawang bayaw ni JC.
Bukod sa pagiging actor, si JC ay isa ring entrepreneur.
JOINT BUSINESS VENTURE NINA JENNYLYN
AT DENNIS BUBUKSAN NA
Bubuksan na this Saturday, February 8 ang joint business venture ng magkasintahang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ang kanilang Cat Café (Litterbucks) na matatagpuan along Maginhawa St. in Quezon City.
Ang bagong coffee shop ng magkasintahan ay magsi-serve ng coffee and tea kasama ang sariling cookie specialty ni Jennylyn, ang sarili niyang homemade cookie brand na Chunks Dough.
Paghahanda na rin kaya ito nina Jennylyn at Dennis sa kanilang magiging future bilang isang pamilya? Pero kailan kaya magpu-propose si Dennis kay Jennylyn considering na matagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa.
Sina Jennylyn at Dennis ay parehong may tig-isang anak na parehong lalaki sa kanilang respective past loves.
Si Jennylyn ay may Alex Jazz sa kanyang ex-boyfriend na si Patrick Garcia habang si Dennis naman ay may Calix sa dating beauty queen-turned actress na si Carlene Aguilar.
Samantala, habang nasa Cat Café nina Jennylyn at Dennis, ang mga customer ay may pagkakataon na makalaro ang pet cats and dogs ng dalawa at makita rin sila in person.
Ayon kay Jennylyn, kapag wala silang work, tiyak na naroon sila ni Dennis sa kanilang Cat Café shop para personal na pamahalaan ang kanilang bagong business.
BEA, ALDEN MAY MOVIE PROJECT
Naispatan sina Bea Alonzo at Alden Richards sa check-in counter ng Philippine Airlines sa airport ng Bangkok, Thailand last Sunday, February 2. May movie project kaya ang dalawa o ‘di kaya TV endorsements na silang dalawa ang magkasama?
Naging vocal si Alden sa pagsasabing gusto niyang makatrabaho sa isang movie project si Bea at personal na rin niya itong ipinarating sa Kapamilya actress nang aksidente silang magkasabay sa isang domestic flight.
Bukas pa rin si Alden na muling makagawa ng movie project sa ilalim ng Star Cinema, ang film arm ng Kapamilya Network.
Hawak nina Alden at Kathryn Bernardo ang record ng highest grossing Filipino film of all time dahil sa kanilang 2019 movie na “Hello, Love, Goodbye” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina na kumita sa takilya ng almost P900-M. Ang nasabing pelikula ay first team-up nina Alden at Kathryn at first movie rin ni Alden sa bakuran ng Star Cinema.
211