MARIAN RIVERA: MULA MUMURAHING CHARADE HANGGANG LUXURY CARS

marian12

(NI PETER LEDESMA)

NANG  ma-discover ni Mr. Tony Tuviera si Marian Rivera sa isang beauty product commercial, hindi agad nag-bloom ang career nito.

Pero napansin si Marian ng televiewers sa sunud-sunod na pinagbidahang afternoon series sa Tape Incorporated na si Ruel Bayani ang madalas na director.

And alam niyo bang dahil sa hindi kalakihang talent fee ay sa maliit lang na condo nakatira si Marian at ‘yung kotseng minamaneho niya ay Charade na mas mura pa sa Kia Pride na pag-aari ng former manager na si Popoy Caritativo.

Pero dahil matiyaga at mahusay naman talagang umarte ay nabigyan ng malaking break si Marian via “Marimar” na nasundan ng “Darna” at marami pang shows na nag-angat sa showbiz career ng actress at kinilalang GMA Primetime Queen.

At carry na rin ngayon ni Marian na bumili ng maraming luxury cars at ‘yung bahay nila ni Dingdong Dantes ay sobrang laki na we heard ay P40 million ang worth.

By the way, this month ay balik showbiz na si Marian para sa bagong endorsement na kilalang brand ng tinapay at babalik na rin siya sa kanyang weekend show sa GMA na “Tadhana.”

126

Related posts

Leave a Comment