MASAYA NA SI ANDI EIGENMANN SA BUHAY ‘ISLAND GIRL’

andi121

(NI ASTER A. AMOYO)

MAGIGING ate na ang 7-year-old na si Ellie, ang panganay ng aktres na si Andi Eigenmann sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito, anak ng dating pangulo at outgoing Manila mayor Joseph “Erap” Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Malapit nang isilang ni Andi ang kanyang second daughter and first nila ng kanyang bagong partner, ang surfing champ na si Philmar Alipayo ng Siargao Island, Surigao del Norte.

Dahil sa pagmamahal ni Andi sa beach at surfing ay tinalikuran niya ang buhay-Maynila para mamirmihan sa Siargao Island habang palipat-lipat naman ang panganay niyang si Ellie sa kanila ng ama nitong si Jake.

Masaya si Andi sa kanyang buhay bilang isang island girl pero hindi naman umano ito nangangahulugan na tuluyan na niyang tinalikuran ang kanyang showbiz career. Ayon sa aktres, willing pa rin siyang umarte kapag may dumating na magandang proyekto.

Si Andi ay nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency (VAA).

193

Related posts

Leave a Comment