MAY BAGONG DARNA NA?

nadine22

olea(NI JERRY OLEA)

TOTOO ba na may napili nang bagong Darna?!

And she is not Nadine Lustre?!

Ayon sa aming source, relatively newbie ang kapalit ni Liza Soberano sa Darna trilogy na ididirek ni Jerrold Tarog.

Mag-uumpisa na raw ang training nito!

ISANG DOSENANG DULA NA MAGPAPAKABOG SA PUSO

Labindalawa lang ang pinili sa 207 na isinumiteng bagong dula para sa 15th Virgin Lab Fest: Titibok-tibok.

Nagpakabog sa puso ang mga ito mula Hunyo 19 hanggang Hulyo 7 sa CCP.

Ang 12 new plays ay hinati sa apat na Set. May tatlong bagong dula sa bawat Set, at may dagdag na Set kung saan tampok ang “Revisited” plays na itinanghal sa VLF last year.

Sa Set A, andiyan ang Isang Gabing Ang Buwan Ay Hila-Hila Ng Gula-gulanit Na Ulap, kung saan naghuhukay ng ginto ang magkababatang sina Egberto (Ybes Bagadiong) at Elisimo (Heber O’Hara). Mabangis ang pagganap ni Egberto na animo’y adik sa pag-aaswang.

Sa Huling Hiling ni Darling, walang kabuhay-buhay si Darling. Comatose siya. Sakdal husay ang beteranang si Sherry Lara bilang Mama ni Darling, natural na natural ang mga bitaw ng linya na animo’y ad lib niya. Sabi ni Sherry, hindi siya nag-a-adlib bilang respeto sa manunulat.

Pagkagaling-galing din ni Sherry sa staged reading ng unang one-act play na akda ni Jun Lana, ang Rated X. Kuwelang-kuwela ang batuhan at saluhan nila ni Lou Veloso ng mga linya.

Laugh trip naman ang Fangirl. Bonggacious ang aliw factor ng tatlong hitad (Mayen Estañero, Marj Lorico at Mean Espinosa) na hibang sa iniidolong boy band. Fierce ang paligsahan nila kung sino sa kanila ang pinaka-hardcore na tagahanga.

Sa Set B, makabuluhan ang The Impossible Star. Tinalakay nito ang pagiging bipolar/manic depressive ng isang babaeng estudyante sa UP.

Maraming gustong sabihin ang dula, at paandar dito ang bading na kuya. Naalala namin ang pelikulang Anak nina Vilma Santos at Claudine Barretto sa dulang Anak Ka Ng. Ang gumanap na ina ay si Skyzx Labastilla, na kasama rin sa cast ng Huling Hiling Ni Darling bilang nakababatang kapatid ni Darling. Nagbida dati si Skyzx sa two-hour performance na Ang Dalagita’y ‘Sang Bagay Na Di-Buo, kung saan 20 ang ginampanan niyang karakter.

Highly recommended ko ang Wanted: Male Boarders. Laugh trip to the max ito! Istorya ito ng apat na boarders sa isang boarding house sa Indang, Cavite — tatlong lalaki (Ross Pesigan, AJ Sison & Vincent Pajara) at isang bading (Lance Reblando).

Wala ritong foursome, pero muntik nang magkaroon ng threesome. Pakiwari ni Ross, masu-surprise ang GF niyang si Angeli Bayani kapag napanood nito ang Wanted: Male Boarders.

###

Sa Set C, mabagal sa simula ang A Family Affair pero kumukurot sa puso ang drama rito sa huling bahagi.

Sa The Bride and the Bachelor, may pa-abs si Alex Medina. Bilang bonus, nag-lap dance siya.

Sa Surrogare, naghubad si Roeder Camañag, pero may black brief na naiwan. Masuyo ang halikan nila ni Paul Jake Paule.

###

Hindi ko pa napapanood ang Set D, pero maganda ang feedback na nakarating sa akin tungkol sa Ang Pag-Uulyanin ni Olivia Mendoza.

Nakikini-kinita ko ang pasiklaban ng akting dito nina Edna Vida, Nonoy Froilan, Celeste Legaspi, Crispin Pineda at Erlinda Villalobos.

163

Related posts

Leave a Comment