May demolition job ba kay Kris Aquino?
Puna ko lang na halos sunud-sunod ang dagok kay Queen of All Media na sinimulan ng pagbasura sa kanyang inihain na 44 counts of qualified-theft sa Makati court laban kay Nicko Falcis na business “partner-consultant” ni Tetay.
Isa sa mga natuwa sa pagbasura ay si Grethen Barretto na ewan ko at hindi ko matanto kung bakit ganun na lang ang pakikisawsaw.
The other day, ang korte sa Pasig ay ibinasura rin ang parehong complaint ni Kris kay Falcis.
Sinundan naman ito ng rebelasyon ng dating TV producer ng travel show ni Tetay na si Rhodora Pascual Morales of “Trip ni Kris” isang special show na ipinalabas sa GMA Kapuso Network noong 2017.
Tila orchestrated ang lahat. Kumbaga, tila may tao behind this demolition.
Ang tanong: Kung may demolition job nga, sino kaya ang financier nito?
Ang alam ko, mas expensive ang kontrata ng isang “demo job” kesa sa “PR job.”
Based on features ng PEP.ph, bilang lang ang mga istorya na naglalabasan na naaayon sa Queen of All Media. Sa socmed tweet ni @TitaPoorita (Feb. 25, 2019), nagtanong siya: “How much @PepAlerts? Only 4 pro-Kris stories out of the 28 you published? I wonder why the sudden deluge of anti-Kris news articles. Daming pera ni @jesusfalcis at @nicko ha… Sino funder niyo nga beshies?”
# # #
Solo flight si Nadine Lustre sa bago niyang movie. Hindi niya kasama ang real and reel partner na si James Reid.
Sa pelikula ni Direk Irene Villamor, wala sa listahan para i-consider si James na makapareha ni Nadine. For a change, iba naman para may karir sila na hiwalay sa imahe na likha ng kanilang showbiz partnership.
Kaya nga ang mga fans nila na JaDine (tawag sa tambalan nila ng boyfriend) ay umaasa na sana, kahit hindi si James ang kapareha ng dalaga (sina Carlo Aquino at Marco Gumabao ang partners niya); maging maganda sana ang kita ng pelikulang ito from Viva Films.
Pahayag ng sexy actress, “Siyempre po, nakakapanibago kasi nasanay akong siya lagi ang kasama ko but we have to grow individually as artists.”
May kaba si Nadine: “Nakaka-pressure but I’m confident that viewers will like our movie kasi kakaiba siya, eh. When I first read the script written by Direk Irene, I fell in love with it agad kasi may element ng fantasy. I play Maya, a girl who believes in tikbalangs kasi as a child, nakita kong may mga kinakasal na tikbalang and since then, I associate the rain with the sad moments in my life, with my failures and unhappy situation.”
112