MAY IBANG RASON DAW ANG HIWALAYANG BEA-GERALD?!

bea100

(NI RK VILLACORTA)

AKALA ko, tapos na ang tsismis tungkol sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson. Ayaw man magsalita nina Gerald at Julia Barretto, alam mong meron nga ang dalawa the fact na nagpaalam na ang aktor sa ama ni Julia na liligawan niya ito.

Kailan nga ba nagsasabi ng totoo ang mga artista? Kung kailan wala na sila, doon mo pa lang mabubuking na may namagitan pala sa kanila!

Pero… nagulat kami sa sitsit na nakarating sa amin na ibang version kung bakit waley na sina Bea at Ge.

From our source, tila natauhan pala itong si Bea nang mapag-usapan nila ng boyfriend ang tungkol sa pag-aasawa. Hindi na kasi bumabata ang aktres at sa edad niya, dapat ay nagpaplano na siya ng pamilya.

Kaso, dedma ang binata. Ang sabi, tila hindi interesado si Ge na magpakasal. Hindi kasama sa pakikipagrelasyon niya na magbuo ng pamilya. In short, wala pala itong planong pakasalan ang aktres!

Ang lalaki, okey lang na magpaka-elusive bachelor hanggang gusto niya. Parang alak na habang nagma-mature, mas bongga ang lasa.

Kabaligtaran naman sa babae: habang nagkakaedad ay baka magkaroon ito ng problema sa pagbubuntis. ‘Yun!

VITTO AT RACE: FOLLOWING THE STEPS OF TSONG JOEY AT EX-MAYOR BISTEK

Sa August 7 na ang showing ng first dance-musical movie na Indak ng Viva Films na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion.

Tungkol ito sa dalawang Pinoy na sumali sa isang dance competition sa Seoul, Korea. Kasama sa cast sina Vitto Marquez (of Hashtags ng “Showtime”) and Race Matias na ipinakikilala sa pelikula.

Si Vitto, ilang beses na naming nakausap during his early days sa showbiz. Chubby siya dati. Kaya sa recent media conference ng Indak, nasorpresa kami sa pagbawas ng timbang niya.

“I need to. Mahihirapan po kasi ako sa mga dance routines namin sa movie kung hindi ako nagpapayat,” kuwento niya.

Siya ay anak nina Alma Moreno at Joey Marquez at younger brother ni Winwyn Marquez. Komikero si Vitto just like his dad na si “Tsong” Joey.

“’Yung pagiging comic ko, namana ko siguro sa dad ko. ‘Yung pagsasayaw ko, for sure namana ko ‘yun sa mom ko,” sabi niya sa amin.

Si Race naman ay komikero rin tulad sa ama na si former Quezon City Mayor Herbert Bautista. Ang mom naman niya ay ang dating TV executive ng ABS-CBN na si Eloisa Matias.

“I admit, ang pagiging komikero ko, namana ko sa dad ko,” sabi ng binata. Galing ng Big Apple si Race kung saan siya nag-aral ng acting at directing sa New York Academy.

During the media confe­rence, okey lang na makunan ng photos si Race na wacky ang peg. Walang kaarte-arte. Kaya madali siyang magustuhan ng press, just like his dad Mayor Bistek na love ng press.

Ang mga ama nina Vitto at Race ay mahal ng entertainment media at ‘di malayong masundan nila ang mga yapak ng mga tatay nila.

Good luck, boys!

 

165

Related posts

Leave a Comment