MINDANAO, PINAKAKUMITANG PELIKULA NI DIREK BRILLANTE

MINDANAO-Direk Brillante Mendoza

NOEL FERRER - LEVEL UPAs we close the 45th Metro Manila Film Festival, aabangan natin ang mga gains natin at losses; and more importantly, kung ano ang mga learnings natin sa festival ngayong taong ito.

As we go to press now, sina Direks Kip Oebanda (Liway) at Emman dela Cruz (The Rebound Girl) ay nagtanong at nagpalitan ng messages na may pahiwatig at pagtatanong – na magkasing-kita kang ang 2016 MMFF (panahon ng Die Beautiful, Vince Kath & James, Seklusyon, etc) ang MMFF ngayon.

Ang sagot (na nilinaw din ni Atty Joji Alonzo) – Walang katotohanan. Ang kabuuang kita ng 2016 MMFF ay 375M na kita pa lang ng iisang pelikula ng MMFF 2019.

Nauna ko nang  sinabi na “When some of the theaters in Mindanao are still closed because of the earthquake, and our people in the Visayas would rather attend to their rehabilitation after the typhoon than watch movies, realistically, it would be hard to surpass last year’s record gross in the box office.

But nevertheless, we continue to celebrate the artistic harvest in this year’s Metro Manila Film Festival. We are counting on your support so that more films will reach a wider audience.

Tayaan at panoorin natin ang mga pelikulang karapat-dapat ng ating parangal.

Puntahan natin ang mga sinehan at i-enjoy ang mga pelikula. Ito ang suportang kailangan ng ating industriya, hindi ang hungkag na pagngangangakngak sa social media lamang.”

Kung ang mga pelikulang MINDANAO (na siya na ngayong pinakakumita at pinaka-accessible film nj Direk Brillante – starring our young Superstar Best Actress Judy Ann Santos) ay mas tumaas pa ang kita – along with WRITE ABOUT LOVE na isa ring most awarded na pelikula ngayong MMFF, sana ay mas naitaas pa ang kabuuan ng box office output this year.

Of course, there are also SUNOD and CULION which has their own share of awards noong Gabi Ng Parangal – ang tanong natin – nasaan na ang naghahanap ng mga quality and award winning films  narito’y inihain na sa kanila ang pelikulang tutugon sa kanilang pagnanais ng masustansiyang panoorin – pero tinayaan at ginastusan ba nila ito?

Sana!

May isang buong araw pa – bago tayo datnan ulit ng mga foreign films sa mga sinehan.

Let us put our money where our mouth is.

Suportahan natin ang mga pelikulang Pilipino. (LEVEL UP / by The First NOEL (FERRER)

252

Related posts

Leave a Comment