Pelikula nila ni Vice, Extended Pa! As the MMFF came to a close yesterday, walang pagtatanggi na ang biggest winner ay hindi si Aga o Vice kundi – (as what Vice said) , tiba-tiba si Boss Vic ng Viva. Viva kasi ang nag-co-produce ng “The Mall, The Merrier” with Vice Ganda and Anne Curtis at kasosyo naman nila si Aga sa “Miracle In Cell # 7.” There are certain things to be learned from the box office results of films shown sa MMFF. 1.
Naghahanap na ang mga tao ng mga bagong panoorin; this explains Aga’s breaking into the usual dominant triumberate of Vice Ganda, Coco Martin and Vic Sotto. 2. Kailangang magpakita ng kakaiba sa pelikula than the usual TV fare – like teleserye at the live variety shows. Nagbabayad ang mga tao (ng mataas na admission proces) sa sinehan, kaya level up din sana ang ihahain nila sa publiko. 3. Hindi sapat na magpresscon lang at magparada bilang promo sa filmfest. You have to meet and greet the audience and engage them into supporting your project dahil sa mahal ng sine ngayon, kailangang maging top of mind ka sa iba pang mga entries sa Festival. Safely, despite earthquake in Mindanao and the typhoon sa Visayas which caused some theaters to close (at hindi talaga priority ng mga kababayan natin ang panonood ng sine doon dahil ang isyu nila ay survival), maayos pa rin naman ang total gross ng 45th MMFF. Earning more than 900M and just a little short of 1B is not bad at all especially if you’ve given and offerred the public better and level up films.
Sana lahat ng mga may hanash na naghahanap ng magagandang pelikula ay tumaya naman talaga at magbayad sa takilya kasi mas kailangan ang ganung oagtulong at suporta nila kaysa sa kung anu-anong starus sa social media. VHONG, DINGDONG, LOVI-ZANJOE SUSUBUKANG MAG-SUMMER MMFF And as. we end one MMFF, we now prepare for the next one – the very first Summer MMFF. We have already gotten more than 20 letters of intent sa iba’t ibang movie companies para maging prospective entries. Finished film ang submission sa full length category ang deadline ay sa January 31 habang sa student short film naman ay sa Februrary 28. This early, ang mga kilala at nag-announce nang sasali ay si Vhong Navarro sa kanyang bagong “Mang Kepweng,” sina Dingdong Dantes at John Arcilla sa local adaptation ng South Korean movie na “A Hard Day”; at meron ding Lovi Poe at Zanjo Marudo movie ng Dreamscape. Of course, option pa rin naman ng producers kung isasali pa rin sa Summer MMFF ang “Isa Pang Bahaghari” nina Ate Guy, Michael de Mesa, Philip Salvador and others under Direk Joel Lamangan at ang “Tagpuan” nina Alfred Vargas, Iza Calzado at Shaina Magdayao under Direk Mac Alejandre.
Ang tanong – is there a filmfest fatigue o saturation? Parang wala naman. As long as mayroong ganitong venue para i-showcase ang nga Pinoy films na walang kalabang movies from Hollywood, opportunity na ito sa atin para kumita at makagawa pa ng mas marami at mas maganda pa sanang mga pelikula. Basta ba, tataya tayong lahat, at hindi lip service lang, di ba? For reactions, recommendations and opinions, send a PM to my IG account – @iamnoelferrer.
162