MMFF CONTROVERSIES THROUGH THE YEARS

(NI BEN BAÑARES)

BIYERNES ginanap ang 2019 Metro Manila Film Festival Awards Night. Hinakot ng Mindanao ang halos lahat ng awards – from Best Float to Best Picture. Eleven awards! Sumunod ang Write About Love na nakakuha ng walong awards including Best Screenplay. Far third ang Sunod with three awards.

Except for its Special Jury Prize for its cast, na-shut out ang Culion. Walang regular award. Zero. Pati ang Miracle In Cell No. 7, na nabalitang humahataw sa takilya dahil sa word of mouth, wala ring nakuhang award. Pati ang movies nina Coco Martin, Vice Ganda, at Bossing Vic Sotto, walang naiuwing award.

UPSET

Isa lang ang masasabing upset: Ang pagkakapanalo ni Allen Dizon as Best Actor para sa Mindanao. Marami kasi ang nagsabing shoo-in na si Aga Muhlach sa award na ito para sa Miracle In Cell No. 7. Pero, upset lang ito at hindi naman controversial talaga dahil magaling naman talagang umarte si Allen, and in fact he has several acting trophies to prove it.

Pero sa 45 years ng MMFF, hindi ito nakaiwas sa kontrobersiya. Ilan lang sa mga ito ang mga sumusunod.

1977: NAG-WALK OUT SI LINO BROCKA

Nanalo ng walong awards – kasama na ang Best Picture – ang Burlesk Queen ni Celso Ad. Castillo starring Vilma Santos. Ang pelikula ng direktor na si Lino Brocka na Inay starring Alicia Vergel, Laurice Guillen, at Chanda Romero ay nabokya. Nag-walk out si Direk Lino at may nagsasabi pang minura nito si director-actor-writer na si Rolando Tinio na noon ay chairman ng panel of judges.

1978: NAG-IISANG ACTING AWARD

Walang binigay na award para sa Best Actor, Best Actress, Best Supporting Actor, at Best Supporting Actress. Iisang acting award lang ang ibinigay – Best Performer. Ito ay iginawad kay Nora Aunor para sa pelikulang Atsay. Shocked ang marami dahil inakala nilang si Vilma Santos ang mananalo ng Best Actress award para sa Rubia Servios.

1982: MAY HIMALA!

Bumawi naman si Ate Vi noong 1982 nang maka-grand slam siya ng Best Actress award para sa pelikulang Relasyon. Grand slam, as in nakuha niya ang nasabing award mula sa lahat ng award-giving bodies – puwera lang sa MMFF. Dito, humataw naman ang Himala ni Ate Guy kung saan nahakot nito ang karamihan sa awards including Best Picture, Best Director for Ishmael Bernal, at Best Actress nga para kay Nora. At nag-number one din ito sa takilya, dinaig pati ang Ang Panday Ikatlong Yugto ni Fernando Poe, Jr.

1986: NO BEST PICTURE, STORY, SCREENPLAY

Walang ibinigay na award para sa Best Picture, Best Story, at Best Screenplay. Sabi ni Tingting Cojuangco, isa sa mga hurado noon, “None of the seven entries deserved these awards. They didn’t promote positive Filipino values.” Ang pitong entries noon ay ang mga sumusunod: Bagets Gang, Bangkay Mo Akong Hahakbangan, Halimaw, Payaso, Salamangkero: The Magician, at Tuklaw.

1993: LEAKAGE!

Nabahiran ng kontrobersiya ang Gabi ng Parangal (ginanap sa PICC Plenary Hall) nang kumalat na may leakage ng listahan ng mga winners. Best Actor noon si Aga Muhlach para sa May Minamahal, Best Actress naman si Dawn Zulueta para sa Kung Mawawala Ka Pa.

1994: HISTORY REPEATS ITSELF

Wala ring ginawaran ng awards para sa Best Picture, Best Director, Best Screenplay at Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural award dahil wala raw sa mga pelikulang kalahok ang deserving ng award na ito. Ang entries noon: Kanto Boy 2: Anak ni Totoy GuwapoLucas AbelardoMama’s Boys 2: Let’s Go Na!, Ang Pagbabalik ni Pedro PendukoShake, Rattle & Roll V, and Wanted: Perfect Father.

 (ITUTULOY )

 

316

Related posts

Leave a Comment