NAG-HIT naman ‘yung theme song ng blockbuster movie na Miss Granny ni Sarah Geronimo sa Viva Films na “Kiss Me, Kiss Me” na isang revival ng kantang pinasikat ni Efren Montes noong 70s. Ang remake na ito ni Sarah ang madalas sayawin sa mga special events gaya ng Christmas parties.
Pero since mapanood ang music video ni Sarah last July 2018 ay meron lamang itong 6,420,903 views. Kahit ‘yung first hit song na “Forever’s Not Enough” ng singer-actress na six years ago pa napanood ay nasa 2 million lang ang views ng official music video nito sa YouTube.
Samantalang ang “Akin Ka Na Lang” (official music video) ni Morissette Amon na 2017 napanood ay humamig na ngayon sa 26,933,808 views at nasa 83,959,649 naman ang views nito sa Live on Wish 107.5 Bus.
Hindi lang si Morissette ang tumatalo kay Sarah sa paramihan ng views ng kanta sa YouTube taob rin siya ni Moira dela Torre na nagrereyna rin sa YouTube at iba pang social media platforms.
EUGENE IKAKASAL NA SA ITALIAN BF
Sobrang love ng Kapuso actress-comedienne na si Eugene Domingo ang kanyang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni na two years na niyang karelasyon.
Kaya kahit sobrang mahal ang mag-travel sa Italy ay go pa rin ng go si Eugene dahil gusto niyang makasama ang kanyang 56-year-old na Papa na bumuhay sa kanyang pagkababae.
At ang latest ay tuloy na raw ang kasal ni Uge kay Danilo. Pero hindi pa naman binanggit kung saan at kailan magaganap ang nasabing wedding ng dalawa.
Basta may mga inaayos na raw si Danilo para sa nalalapit na wedding at wait lang dito sa Pinas ang malapit nang maging bride na komedyante.
Napapanood pa rin ang comedy series ni Eugene sa Kapuso network na “Dear Uge,” at maganda naman daw ang ratings nito!
###
May malaking pasabog ang “Eat Bulaga!” sa kanilang 40th anniversary.
Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng “EB!” Dabarkads at buong production ng Tape Incorporated ang pagdiriwang ng 40th anniversary ng programa na mangyayari sa susunod na buwan ng Hulyo.
We heard na starting July, araw-araw ay may malalaking sorpresa ang “Eat Bulaga!” para sa kanilang studio audience at home viewers na nakasama nila ng maraming taon.
Mula noon hanggang ngayon ay napaka-generous ng nasabing numero uno and longest running noontime variety show kaya hindi na tayo magugulat kung mamimigay sila ng milyones at pangkabuhayan showcase sa kanilang parating na anibersaryo sa July 29!
145