NADINE NAKATALI SA VIVA HANGGANG 2029

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

KUNG ang boyfriend niyang si James Reid ay malayang nakaalis sa bakuran ng Viva, sorry na lang daw si Nadine Lustre dahil hindi niya pwedeng sundan si James sa paglayas sa kanilang mother oufit.

We heard na 15 years daw ang contract ni Nadine kay Boss Vic del Rosario, so kung nagsimula siya noong 2014 sa Viva para sa blockbuster film nila ni James na Diary Ng Panget ay hanggang 2029 pa tatagal ang kontrata ng morenang aktres.

So, kailangang pagtrabahuhan pa ni Nadine ang nalalabi niyang 10 years sa kompanya ng mga Del Rosario.

Sabi, after Indak ay may movie uli na gagawin si Lustre, pero hahanapan pa siya ng perfect partner para kumita sa takilya.

Well, kung gusto nila ng suggestion, bakit hindi nila subukang ipareha si Nadine sa hottest actor nilang si Marco Gumabao? Sa aking palagay ay magki-click ang dalawang ito sa big screen lalo’t pwede ring magpa-sexy si Nadine na very exotic ang dating!

CARLOS AGASSI: BIG STAR SA DOS NOON, SO-SO SA SIYETE NGAYON

Isa si Carlos Agassi sa kinakiligan noon sa matagal nang defunct na grupong Hunks na kinabibilangan din nina Piolo Pascual, Jericho Rosales at Diether Ocampo. Bumida rin si Carlos sa ilang te­leserye at nag-host pa ng sarili niyang reality show.

Pero after mawala sa Dos at balitang nagkasakit dahil sa madalas na pagsaksak ng steroids na pampalaki ng katawan at masel ay matagal na tayong walang balita sa nasabing actor.

Pero sa presscon ng bagong teleserye ng GMA na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia at Bea Binene ay muling nasilayan ng entertainment press si Carlos.

Pero marami ang dismayado na kapatid natin sa hanapbuhay sa itsura nito ngayon na hindi lang haggard kundi payat at balding na.

Ang nakakalokah, parang so-so lang daw ang role ni Carlos at ilang taping days lang ito at wala ang name niya sa regular cast. Nag-check kami sa Google, wala nga roon ang pangalan ng dating sikat na actor na pinagpantasyahan during his time.

###

Mga cute kids, araw-araw na ngayong mapapanood sa That’s My Boy segment ng “Eat Bulaga.”

Parte pa rin ng selebrasyon ng 40th Anniversary ng “Eat Bulaga” ang pagbabalik ng segment ng programa na That’s My Boy na nagsimula na this week.

Sina Dabarkads Pauleen Luna at Jose Manalo ang host nito. Mahusay ang dalawa sa Q&A portion na kahit may kakulitan ang mga bata ay magiliw sa pagsagot sa katanungan ng kanilang Ate Pauleen at Tito Jose lalo na pag ang question ay tungkol sa kanilang ambisyon paglaki.

Siyempre hindi maiiwasan na may magkamali ng sagot pero so far, majority ng mga kalahok ay bibo at talentado.

Sino ang tatanghaling That’s My Boy 2019? Iyan ang dapat abangan ng lahat sa nalalapit na grand finals. Malaking cash prize ang maiuuwi ng magiging grand winner.

189

Related posts

Leave a Comment