NANAY NA AKO, BELIEVE IT OR NOT – KORINA SANCHEZ

korina1

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

TALK of the town ngayon ang pagpapakilala ng very proud parents na sina Korina Sanchez at Mar Roxas sa kanilang beautiful fraternal twin babies Pepe (boy) and Pilar (girl) via a surrogate sa exclusive report ng “TV Patrol” noong Huwebes ng gabi, February 22. It is also the very first time na nakita ng publiko ang kanilang angelic faces.

Ayon sa kwento ng first time mom ay unang isinilang si Pepe kesa kay Pilar, na mahilig ngumiti.

Mukhang prinsipe, mahilig matulog, matangos ang ilong, matigas ang ulo, pero sobrang sweet ang description niya kay Pepe na kung mapapansin ay masasabing mestizo version ni Mar. Si Pilar ay mas morena kaysa kay Pepe. Matangos din ang ilong at malaki at bilugan ang mga mata nito. Palangiti at alerto rin si Pilar.

Himala mula sa langit daw ang pagdating ng kanilang kambal sa buhay nila.
“Narito na nga ang tunay na nagbabagang balita,” pagbabalita ng veteran broadcaster mula sa Pittsburgh, Pennsylvania, kung saan sila naroon ni Mar at kanilang kambal.

“Ako po ay nanay na, believe it or not. So, alas-tres ng umaga, pinatutunayan ko lang po na ako ay nag-aalaga ng aking mga mumunting anghel. Ipapakilala ko sa inyo si Pepe…ang aking munting prinsipe. At ito naman ang aking beauty queen, si Pilar! O, di ba, ang tangos-tangos ng ilong?»

Bibiyahe daw pabalik ng Pinas si Daddy Mar bukas, February 24, para umabot sa Harapan “2019 Senatorial Debate” ng ABS-CBN. Siguradong bitbit na raw nila ang kanilang kambal pagkabalik nila.
How true kaya ang balitang malaki ang nagastos ni Korina sa pagpapa-freeze ng eggs niya na pinagawa raw sa India?

Malaki rin daw ang naitulong ni Joel Cruz kay Korina na kabisado na ang surrogacy process dahil may walong anak na ito na ang surrogate mother ay taga-Russia. Pero ‘yung kay Korina, taga-Amerika raw.

 

 

 

 

 

8

Related posts

Leave a Comment