NEXT MOVE NI ALDEN HINIHINTAY SA PAG-AMIN NI MAINE

alden500

EXPRESS LOGO copy(NI RONALD RAFER)

PINAG-UUSAPAN  sa apat na sulok ng showbiz ang pag-amin ni Maine Mendoza that she is dating Arjo Atayde. May nakakita pa na nagpunta sila sa Taiwan with some of their friends upang dun i-celebrate ang kaarawan ni “Yaya Dub”.

Parang gumuho ang buong AlDub Nation at bumuhos ang iba’t ibang reaksyon at komento mula sa kanila. May ilang nagalit kay Maine, at kay Alden Richards. Kesyo pinaasa lang daw sila. Nagpauto raw sila. Paano na ang “pangarap” nila na sina Maine at Alden ang magkakatuluyan?

Sinisi pa ng ilan si Alden at kesyo hindi raw kasi nito niligawan ang ka-loveteam. Umasa rin daw si Maine doon, pero hindi naman nangyari.

Sa mga pahayag ni Maine, sinabi nito na mananatiling magkaibigan sila ni Alden. Ganun din ang wish ng kampo niya for Alden. Alam nilang focused si Alden sa career at ito ang pinagtutuunan niya ng pansin. Masipag ito at talagang nagtatrabaho.

Nagpapasalamat si Maine sa mga sumuporta sa AlDub pero si “Yaya Dub” daw ang minahal nila at hindi si Maine na may sariling buhay.

Kay Alden nakatuon ang lahat ngayon kung ano na ang mangyayari ngayong umamin na si Maine sa lagay ng puso nito. Nasa kanya na ang bola ngayon. Ano kaya ang magiging “next move” niya? Dapat bang ilantad na rin niya ang girlfriend kung meron man?

O kung wala pa, dapat bang magkaroon na rin siya para lumigaya rin siya gaya ni Maine?

Ang nakakaloka, guest si Alden sa “Daddy’s Gurl” sa darating na Sabado in time of Maine’s birthday episode. Well… tutal comedy naman ‘yun, we’re sure na literal na tatawanan na lang ng mga televiewers ang episode na ‘yun especially ang mga eksenang magkasama sina Maine at Alden na nagpapa-cute at nagpapakikilig. Grabe!

                                                                                             # # #

“SanDugo” ang latest project ni Aljur Abrenica kasama sina Ejay Falcon at Elisse Joson sa ABS-CBN. Kapwa first time nina Aljur at Ejay na makatrabaho si Elisse at first time din ni Elisse na iba ang kapareha at hindi si McCoy de Leon.

Tuluyan na ngang naghiwalay ang dalawa in real life pati sa pagiging loveteam. Si Heaven Peralejo na ang kapareha ni McCoy sa “Wansapanataym” na nali-link din kay Marco Gallo.

Mukhang swak naman ang McCoy-Heaven tandem dahil maganda ang chemistry nila. Sana ay magklik din ang show ni Elisse. Sa “SanDugo,”  mas mature at mas tututukan ang pagkaaktres ni Elisse dahil very dramatic daw ang serye.

Nga pala, dagsa ang mga manliligaw ni Elisse nang malamang break na sila ni McCoy. Isa sa masugid niyang suitor ay ang gwapong si Jameson Blake ng Hashtag. Kung matutuloy, bagay ang dalawa. Kailangan lang mag-effort ni Jameson dahil di pa raw ready si Elisse na ma-fall ulit.

‘Yun lang!

 

5

Related posts

Leave a Comment