NATAWA ako noonng nakaraang Martes na dapat a-attend pa ako sa mediacon ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ kaya lang ayoko na gabihin ako, kaya umuwi na ako after magpirma ni Christoper de Leon sa Beautederm.
Kinakantiyawan ko nga si Boyet na talagang mag-asawa sila dati ni Nora. Pagkatapos nina Gorgy i-cover ang contract signing niya, sa presscon naman ni Nora sila tutuloy.
Binilinan nga ni Boyet si Gorgy na ikumusta siya.
Tingnan daw kung ano ang reaksyon ni Nora kapag mabanggit ang pangalan niya. Natawa-tawa pa si Boyet eh.
Pero natuwa ako para kay Boyet dahil talagang alaga niya nang husto ang katawan niya.
Ang guwapo nga niya ngayon dahil talagang binibigyan niya ng panahon ang mag-exercise, tapos ang sabi niya dapat healthy ka rin spiritually. Holistic daw ang approach.
Nagkuwento na rin si Boyet na mukhang sa Amerika na muna magka-career ang anak niyang si Mariel de Leon.
Marami nga ang nakapansin sa dalaga nang rumampa ito sa fashion show ni Kim Kardashian.
Nag-decide na nga raw si Mariel doon muna siya Amerika dahil pumirma na ito sa isang agent na nagbu-book sa kanya sa auditions sa TV, movies, commercials at pati sa fashion shows.
Okay naman daw ngayon doon si Mariel sa New York.
“So far yes, pero medyo nahirapan siya nitong nakaraang winter.
But, she’s enjoying it now. Tingnan natin up to when, alam nyo naman ‘pag babae… araw-araw kong kausap sa phone eh, sa Facetime namin,” napapangiting pahayag ni Boyet.
Hindi na rin daw nagpapaapekto su Mariel sa mangilan-ngilang namba-bash pa rin sa kanya paminsan-minsan.
“Basta, positivity lang ang ano niya ang kanyang anchor, and then of course God. Nagpapasalamat na rin siya to all those who appreciate her.
“Wala naman siyang problema. She doesn’t mind mga basher na ‘yan.
“Pero mas less ang bashers niya ngayon when she was here,” sabi pa ni Boyet.
Kaya good luck kay Mariel. Wish namin lahat na maging okay ang career niya sa New York.
LINO BROCKA INSPIRASYON NG AWARD WINNING KOREAN DIRECTOR
Alam n’yo bang isa sa pinaka-close sa akin na direktor noon ay si Lino Brocka?
Kaya na-touch ako nang nabasa kong ‘yung Oscar Awards Best Director na si Bong Joon Ho, sinasabi niyang favorite director niya si Lino Brocka at isa raw iyun sa inspiration niya.
Parang karangalan din nating ang nagwaging Asian director naging idol ang mahusay nating director na si Lino Brocka.
Sabi niya, pinapanood daw niya ang lahat na mga pelikulang gawa ni Brocka. So, ibig sabihin napapanood niya ang ibang artista ni Brocka na mga alaga ko kagaya nina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Amy Austria, Tonton Gutierrez, at marami pa.
Ang bonggang feeling iyun na na-acknowledge ka ng isang winner at naging guide niya sa tagumpay.
Lalo ko tuloy na-love ang Koreans na nagkaroon ng tie that binds ng mga Pinoy at mga Koreano.
Hay! Sana ma-recognize na rin talaga ang Pinoy films natin sa Oscars.
Hopefully, and sure ako na one of these days makaka-akyat na rin ang isang Pinoy direktor sa stage ng Oscars para tumanggap ng isang karangalan.
Marami naman sa ating magagaling na direktor at nakilala na nga sa ibang bansa
434