NUTAM/AGB AT KANTAR MEDIA NAGKASUNDO: KAPUSO MO, JESSICA SOHO ‘PAG WEEKEND, ANG PROBINSIYA ‘PAG WEEKDAYS

oleaSa ratings ng Kantar Media, wagi ang karamihan sa Kapamilya shows. Sa NUTAM/AGB Nielsen, panalo ang karamihan sa Kapuso programs.

Pero may mga palabas na “nagkakasundo” sila kung alin ang umaariba. Kung Linggo, madalas na kampeon ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Kung weekdays, #1 ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Kaya walang kuwestiyon na siya ang kasalukuyang Hari ng Telebisyon.

Winnie Santos ang fantaseryeng Starla ni Judy Ann Santos nang magtapos, ganoon din ang pumalit ditong Make It With You na tampok ang LizQuen.

Sa tagal ng Kadenang Ginto, lumaylay ang istorya nito, at patuloy nang kinakabog ng Prima Donnas kung saan lucky charm si Aiko Melendez.

Aba! Dedicated naman talaga si Aiko sa kanyang teleserye. Matuk Astorga, hindi siya nagtagal sa golden birthday party ni Ogie Diaz noong January 5, Sunday dahil may taping siya kinabukasan.

At dahil umaarangkada ang Prima Donnas, natutulungan nito ang kasunod na GMA teledrama na Magkaagaw. May mga hapon na pinapataob ng Magkaagaw ang Sandugo.

Nagsi-see saw rin ang kabugan ng Gandang Gabi, Vice at The Boobay and Tekla Show.

Kaabang-abang ang Pinoy version ng Descendants of the Sun (DOTS), na pagbibidahan ng prime stars ng GMA na sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Wagi sa ratings sa South Korea ang orig na DOTS, at expectorant ang marami na magpapakitang-gilas din ang Pinoy version nito.

PERSPEKTIBO AT KONTEKSTO ANG KAILANGAN

The Last Temptation of ChristWalang katapusan ang debate kung ang paksa ay relihiyon at pulitika. Parang pagtatalo iyon ng dalawang panig kung alin ang nauna, ang itlog o ang manok.

Lumikha ng munting kontrobersya ang Netflix comedy film na The Last Temptation of Christ. Kakabit ng diskusyon dito ang nobela at pelikulang The Last Temptation of Christ, maging ang nobela at pelikulang The Da Vinci Code, na pawang kontrobersyal.

Kailangan ng context at perspective sa paghihimay ng The First Temptation of Christ, kaya dapat napanood din ang pelikulang The Last Hangover from the group na nagprodyus niyon.

Sa balitaktakan ng pananampalataya, mapapanood din sa Netflix ang Bollywood film na PK, at ang pinakabago ay ang first season ng series na Messiah.

Maalab ang balitaktakan sa Messiah, sa pagiging cerebral ba o manipulative nito, kung relevant ba ito sa mga kaganapan ngayon sa mundo. Far fetched man ay maikokonek dito ang pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Sa panahon ngayon, paano ba natin haharapin kung may dumating na Mensahero ng Panginoong Diyos? Basta-basta ba tayo mananalig sa mga himala?

SINO ANG ‘DI TRUSTWORTHY KINA GANDARANG NEGOSYANTE AT BETERANANG AKTRES?

Nag-post ang isang kilalang aktor sa socmed tungkol sa “trust” issue. Aba! Naikonek agad iyon ng marami sa pinagdadaanan ng dalawang kilalang aktres.

Hello?! Basta-basta lang ba ang sasawsaw si kilalang aktor sa misunderstanding ng dalawang aktres, Tito KCG?!

Of course not. Ang “trust” issue na iyon ay walang kinalaman sa tampuhang pururot ng dalawang aktres. Syempre, disconnected din iyon sa condom.

Ang usapin ng pagtitiwala ay kaugnay sa isang beteranang character actress, at sa relasyon nito sa isang gandarang negosyante.

Nawarat ang naturang samahan bago pa mag-Pasko.

Samantalang iyong usapin ng dalawang kilalang aktres ay pumutok makalipas ang Bagong Taon.

Nagsasanga-sanga tuloy ang intriga. Lalong nagiging masalimuot. Pero pasasaan ba’t magkakalinawan din. Lulutang at lulutang ang totoo.

MOVE ON NA ANG MGA SALAWAHANG COUPLE

Expectorant tayo sa paghihiwalay ng gandarang aktres-aktresan at pogilicious personality. Hindi iyan nakakagulat.

Noong yumanig ang isyung nakipagtikiman ang gandarang aktres-aktresan sa co-star nitong hunk actor na may dyowang premyadong aktres, tahimik lang ang pogilicious personality.

Hindi hiniwalayan ni pogilicious personality ang gandarang aktres-aktresan, bagkus ay buo ang suporta niya rito.

Eh kasi naman, sanay si pogilicious personality sa extra-curricular activity. May bunga at ebidensya ang pagiging mapusok ni pogilicious personality, at nang nabunyag iyon ay sinuportahan naman siya ni gandarang aktres-aktresan.

Sipag-sipagan si gandarang aktres-aktresan at todo kayod sa kung anu-anong karaketan, samantalang si pogilicious personality ay tila naging palam.

Palam as in palamunin, dahil ang career ay malamlam. Ikinawindang ni gandarang aktres-aktresan nang matuklasan niya ang pagtataksil ni pogilicious personality. Hindi iyon masikmura ni gandarang aktres-aktresan, kaya nag-alburoto siya hanggang Alert Level 4, at nagbuga ng nagbabagang mga salita at tungayaw kay pogilicious personality.

Nagkasumbatan sila at nagsaulian ng kandila.

Matapos bumugalwak ang kanilang tinimping ngitngit, kapwa sila naging payapa. Nagkasundo sila na mag-move on na lang, kesa maglabasan pa ng bantot at putik sa madla. (PROOOF / JERRY OLEA)

142

Related posts

Leave a Comment