OSANG, PANTASYA NOON NINA TOM, JOSEPH MARCO

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

NOONG kasagsagan ng sexy movies ni Rosanna Roces, dalawa sa mga nagpantasya sa kaakit-akit na katawan nito ay sina Tom Rodriguez at Joseph Marco na pareho niyang nakasama sa magkaibang proyekto. Pero compared daw to Tom ay mas matagal nakasama ni Osang si Joseph sa “Los Bastardos.”

Bulong kay Osang ng tropa nina Tom at Joseph, kaya nahihiyang lumapit sa kanya sa set ang dalawa ay dahil noong high school days pala ng mga ito ay mahilig silang manood ng mga pelikula ni Rosanna sa VHS na sinasabayan nila ng pag-mariang palad!

Pero ngayon ay parehong respetado ng mga ito si Osang at bilib sila sa husay nito bilang artista na muling patutunayan sa bagong teleserye na “Pamilya Ko,” na mula pa rin sa unit ni Direk Ruel S. Bayani.

Yes, kahit na hindi pa ni-reveal sa kanilang grand mediacon ang magiging cha­racter ni Osang, aming napag-alaman na tatlo sila ni Sylvia Sanchez at Irma Adlawan sa magiging babae rito ni Tsong Joey Marquez. Napakahalaga ng gagampanang role ni Osang sa buhay ng isa sa bida sa nasabing serye na si JM de Guzman.

By the way aside sa “Pamilya Ko” na magsisimula nang umere ngayong Setyembre 9 sa ABS-CBN Primetime Bida ay abala rin si Osang para sa taping ng digital series ni Arjo Atayde na “Bagman 2.” Bale MWF ang kanyang taping para sa “Pamilya Ko” at TTh naman for “Bagman 2.”

May nag-aantay pang 10 shooting days para sa movie na gagawin naman niya kay Direk Brillante Mendoza.

Ang pinoproblema ni Osang ay ang magkasabay na araw na premiere night sa September 10 ng The Panti Sisters at G! Tropa Movie na parte siya at pareho siyang invited. Pero una na raw nitong natanguan ang The Panti Sisters kaya dadalo siya rito.

Yes, buhay na buhay na ulit ang career ng isang Rosanna Roces. At malaking sampal ito para sa former manager ng actress.

SUE, RK AGAW-EKSENA

Tiyak na magiging agaw eksena  ang Cuddle Weather sa Pista ng Pelikulang Pilipino na mag-uumpisa sa Setyembre 13 hanggang Setyembre 19.

Maliban sa mga naughty scenes ng lead actors na sina Sue Ramirez at RK Bagatsing ay bulgar ang mga dialogue dito na tumutukoy sa private parts ng babae at lalaki.

Sa mediacon ng pelikula, inamin ni Sue na tinapangan niya ang loob nang tanggapin niya ang proyektong ito ng Regal Entertainment at  Project 8 Cor. San Joaquin.

“Napakatapang na desisyon ang hinarap ko para tanggapin ang project na ito. Pero no hesitations at all nu’ng nabasa ko iyong script dahil it’s something I’m afraid to do.”

Dagdag pa niya, “Noong una akala ko mahihirapan ako, pero working with all the people behind the cameras, I was well taken care of. They asked me if I was comfortable with the scenes and if I’m not, medyo may mga iti-treat sila. I felt very safe.”

In all fairness, parehong malakas ang dating at palaban sina Sue at RK bilang sex workers sa Cuddle Weather at nag-research si RK sa character niya bilang callboy.

“Nag-aral kami ng buhay nila, paano sila magmahal sa kabila ng panghuhusga ng mga tao sa paligid nila. Nakausap namin ‘yung mga totoong tao at respeto ang maibibigay namin sa kanila.”

At sa ganda at init ng sexy official trailer ng Cuddle Weather na dinirek ni Rod Marmol ay humamig na ito ng more than 3M views sa YouTube and still counting.

 

 

333

Related posts

Leave a Comment