PELIKULANG CLAUDINE-JUDAI, SIGURADONG PATOK!

judayclaudine12

EXPRESS LOGO copy(NI RONALD M. RAFER)

WALA pa ring kupas sa pag-arte si Claudine Barretto na napanood sa “MMK” noong Sabado, kasama ang mahusay ding actor-dancer at member ng grupong Hashtag na si Jameson Blake. Pinaligaya ni Claudine ang fans na matagal nang naghihintay sa pagbabalik niya sa telebisyon.

Fit na rin si Claudine at seksing-sexy. Matagal-tagal ring naging inactive si Claudine dahil tutok siya sa pag-aalaga sa mga anak na sina Sabina at Santino na nagdadalaga at nagbibinata na.

After “MMK,” mukhang ready na ulit ang aktres na maging active pero mauuna yata ang movie with Piolo Pascual na ididirek ni Cathy Garcia-Molina. Huling nagkasama sina Claudine at Piolo sa hit movie na Milan.

Isa sa gustong makasama ni Claudine ay si Judy Ann Santos na maituturing na contemporary niya. Kapag nagkataon, tiyak na patok sa takilya ang first team-up nila ni Judai at siguradong aktingan ang laban. Pak na pak!

Mukhang nakarating na yata kay Judai ang naging pahayag na iyon ni Claudine at okey na okey din naman daw sa kanya na makasama si Claudine. It’s about time nga raw na magkasama sila. ‘Yun lang, mauuna ang gaga­wing teleserye ni Judai kung saan kapareha niya ang ex-husband ni Claudine na si Raymart Santiago.

Isa pang gustong makatrabaho ni Claudine ay ang paborito niyang leading man, si Aga Muhlach. Nagkasama ang dalawa sa Kailangan Kita (remember braless si Claudine sa entire movie which was filmed in Albay), at Dubai (with John Lloyd Cruz).

Nagsalita pala si Claudine na ayaw niyang makasama sa kahit anong TV show si Raymart na nasa ABS-CBN na rin ngayon at kasama sa “Ang Probinsyano.” Not now or not in the near future daw.

# # #

Ang singer at comedy bar host na si Ate Gay na lang yata ang natitirang impersonator ni Superstar Nora Aunor. Masaya at malungkot si Ate Gay na hanggang ngayon ay walang pelikula at walang TV show si Ate Guy.

“Kahit nasa abroad ako, naku, pinapanood ko talaga ang ‘Onanay’ ni Ate Guy.  Minsan, sa YouTube ko na lang pinanonood. Hindi ko talaga siya pinalalampas dahil Noranian ako, noh! Ate Guy lang ang boses pati nunal ko pero Vic Sotto ang ka-look alike ko! Hahaha!” masayang tsika ni Ate Gay nang minsang makasama namin sa isang campaign sortie.

Dahil nga election at panahon ng kampanya, nandito siya at super busy. Halos lahat na yata ng sulok sa Pilipinas ay naabot na niya.

“Nakakatuwa kasi dahil kay Ate Guy, kilala ako ng mga tao. Sob­rang laki talaga ng pagmamahal nila kay Nora. Sikat na sikat pa rin siya saan mang dako ng Pilipinas,” sey pa rin ni Ate Gay.

Samantala, sa May 1, 2019 ay muling magbibigay ng kaligayahan si Ate Gay sa Brgy. Dulong Malabon, Pulilan Bulacan sa  kapistahan nila kasama sina That’s My Bae Joel Palencia, Renz Verano at Miggy Tolentino. Promise ni Ate Gay, isang bonggang kasiyahan daw ang ibibigay niya sa mga Bulakeño sa araw na ‘yun!

 

173

Related posts

Leave a Comment