HINDI na ako nagulat sa balitang hiwalay na sina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger noong Setyembre pa.
On-and-off ang kanilang relasyon, kaya hindi sila umabot sa third anniv sana nitong Nobyembre 30, Bonifacio Day.
Isa sa pinakamatinding pagsubok ay iyong isyu ni Pia with Gerald Anderson matapos nilang gawin ang pelikulang My Perfect You (2018).
Walang malinaw na paliwanag si Pia sa nasabing isyu, na naungkat muli matapos sumiklab ang ghosting ish ni Gerald kay Bea Alonzo noong Hulyo.
May career pa rin sina Bea at Pia. What about Marlon and Gerald?
Mas malakas pa sa newly opened 3 local films…
UNBREAKABLE 160 THEATERS PA ON ITS SECOND WEEK
On its second week, 160 pa ang mga sinehan ng pelikulang Unbreakable nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Richard Gutierrez.
Mas malakas pa ito sa mga bagong bukas na pelikulang Mañanita, Love is Love, at Kaibigan.
Blockbuster is Blockbuster. Flop is Flop.
Kalunus-lunos ang sinapit ng tatlong bagong bukas na Pinoy movies. Kahambal-hambal. Napakasakit, Tito KC!
At any rate, nananabik na tayo sa 45th MMFF, kung saan inaasahan nating top grosser ang M&M The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis, best actress si Judy Ann Santos para sa Mindanao, at best actor si Aga Muhlach para sa Miracle in Cell No. 7.
Nauna nang magpa-premiere ang Write About Love noong Monday night sa SM Megamall. Wish ko lang na mag-best supporting actress si Yeng Constantino para sa heartfelt performance niya rito.
Next na mapapanood natin eh ang Mindanao, na nagpakitang-gilas na sa ilang international film festival.
MAY KASAL SA BEACH RESORT NI GLAIZA NANG GABING NANALO SIYANG LUNA BEST ACTRESS
Ikinasal si Alchris Galura noong Nobyembre 30, Sabado sa Baler, Aurora. Syempre, ang reception ay sa beach resort doon na pag-aari ng ate niyang si Glaiza de Castro.
That day rin ang 37th Luna Awards ng FAP (Film Academy of the Philippines) sa Maybank Performing Arts Theater ng BGC, Taguig City.
Tinanghal doong best actress si Glaiza para sa Liway.
At least six hours ang biyahe from Baler to BGC, kaya gustuhin man ni Glaiza ay hindi siya nakahabol para sa naturang awards night.
Ito ang ikatlong best actress ni Glaiza para sa Liway. Nauna siyang kinilala ng GEMS at Platinum Stallion, na parehong mula sa Akademya.
Pinakamabigat na pagkilala syempre itong sa Luna, kung saan mga kapwa artista niya ang bumoto.
Sa susunod na taon ay matutunghayan natin ang versatility ng Kapuso actress sa dalawang project — isang comedy, at isang heavy drama.
Pagpapatunay iyon na deserving siyang maging best actress!
164