KUNG humakot tayo ng mga medalya sa katatapos na 30th SEA Games, nabokya naman tayo sa beauty pageants this year. Sa katatapos lang na Miss World 2019 pageant, hanggang Top 12 lang umabot ang kandidata nating si Michelle Dee.
Let’s check the Top 4 biggest pageants and our placements in them:
MISS UNIVERSE (December 8 in Atlanta, Georgia): Winner si Zozibini Tunzi ng South Africa. Pangatlong Miss Universe crown nila ito. Ang kandidata ng Pilipinas na si Gazini Ganados ay hanggang Top 20 lang, the weakest placement ng Pilipinas in a decade. From 2010, lagi tayong pasok sa Top 10. This year, the last year of the decade, that winning streak was broken.
MISS INTERNATIONAL (November 12 in Tokyo Japan): Winner si Sireethorn Leearamwat ng Thailand. First time ng Thailand manalo sa pageant na ito. Ang ating kandidatang si Bea Magtanong ay umabot sa Top 8 lang. Noong 2018, nag-first runner-up ang pambato nating si Ahtisa Manalo.
MISS EARTH (October 26 in Parañaque, Philippines): Winner si Nellys Pimentel ng Puerto Rico. First time winner ang bansang ito sa Miss Earth pageant. Ang kandidata ng Pilipinas na si Janelle Tee ay hanggang Top 20 lang din. Noong 2018, hanggang Top 8 naman ang kandidata nating si Celeste Cortesi.
MISS WORLD. (December 14 in London, United Kingdom): Winner si Toni-Ann Singh ng Jamaica. Fourth Miss World title na ito ng Jamaica. Gaya ng nabanggit ko kanina, Top 12 lang ang kandidata nating si Michelle Dee, anak nina Miss International 1979 Melanie Marquez at actor-producer-businessman Derek Dee. Last year, 2018, ni hindi pumasok sa Top 30 ang kandidata nating si Katarina Rodriguez.
###
Sa Miss World 2019, first runner-up si Ophély Mézino ng France at second runner-up naman si Suman Rao ng India. The other two in the Top 5 are Elís Miele Coelho of Brazil and Nyekachi Douglas ng Nigeria.
Bukod sa Pilipinas, ang iba pang bansang pumasok sa Top 12 ay ang mga sumusunod: Cook Islands, Kenya, Mexico, Nepal, Russia, at Vietnam.
Ang una at huling kandidata natin na nanalo ng Miss World crown ay si Megan Young noong 2013.
GONE TOO SOON: CESAR APOLINARIO
Sa mga telebabad, kilala si Cesar Apolinario sa mga news programs ng Kapuso Network, GMA-7. Kasama in siya ni Susan Enriquez sa award-winning magazine show na “I Juander” na umere simula noong 2011.
Sa mga film enthusiasts naman, kilala siya bilang 2007 Metro Manila Film Festival Best Director at Best Story awardee para sa pelikula niyang Banal.
Noong Biyernes, December 13, nabigla ang lahat nang lumabas ang balitang pumanaw na si Cesar. Nakakabigla dahil 46 years old lang siya at mukha naman siyang healthy at walang iniindang sakit.
Yun pala, He was diagnosed with lymphoma o cancer of the lymphatic system nitong nakaraang August. At noong November 12, na-confine siya sa isang hospital sa Fairview, Quezon City dahil sa sepsis at pneumonia.
Iniwan ni Cesar ang asawang si Joy, at mga anak na sina Remus Cesar, Athena Joyce and Sophia Ysabelle.
Nang araw ding ‘yon, naglabas ng statement ang Kapuso Network:
“An award-winning broadcast journalist, writer, and director, Cesar will be greatly missed by his family, friends, and colleagues, especially those in GMA News and Public Affairs and in the film industry, where he devoted the best years of his life. A loyal Kapuso, his dedication to his craft as a news reporter, producer, and public affairs host will continue to serve as an inspiration to all.”
Umapaw din ang online tributes kay Cesar.
“He was more than a colleague, he was a friend. There are no words. Godspeed and rest in peace, @CesarApolinario,” tweet ng reporter at TV anchor na si Raffy Tima.
Sabi naman ni GMA host Kara David sa Instagram: “Paalam kumpareng Cesar Apolinario Jr. Salamat sa mga alaala, salamat sa mga kuwentuhan, salamat sa pagkakaibigan. Hindi ka namin malilimutan. Kami na ang bahala sa iyong mga anak. Itutuloy namin ang pangarap mo para sa kanila. Pahinga ka na pare. Salamat. Mahal ka namin.”
An admirable man and a respectable journalist, Cesar Apolinario is a big loss to the broadcast and film industries. An admirable man gone too soon.
Paalam, Kapuso.
134