(NI PETER LEDESMA)
THIS week ay makikipagkita si Alex Gonzaga sa muling nahalal na mayor sa Parañaque na si Edwin Olivares.
Kung anu-ano na kasi ang mga nasusulat sa sinabi ni Alex tungkol sa “corruption” nang sumampa siya sa entablado para ikampanya ang tinulungang Juan Movement partylist. Na dahil raw sa salitang binitiwan ay pwedeng madeklarang persona non grata ang comedianne-host.
Pero agad namang nilinaw ni Parañaque City Administrator Ding Soriano na walang resolution to declare Alex Gonzaga for persona non grata in Parañaque.
“Mayor Olivares is not taking it personally because it’s part of ‘politicking.’”
Isa sa bumabatikos kay Alex ay ang matagal ng mainit ang dugo sa kanila ng kanyang Ate Toni Gonzaga na si Cristy Fermin. Bahala na lang ang Diyos sa kanya, reaction ni Mommy Pinty sa paulit-ulit na pambabatikos ni Cristy sa kanila na isa sa nag-uudyok kay Mayor Olivares na patawan nga ng persona non grata si Alex.
###
Very rare ang kagaya ng Warner Music artist na si Nick Vera Perez na magkaroon ng mall tour sa buong Pilipinas. Pero super dami namang malls ang nako-cover nito! Kaya naman kung mapapansin siya ng Guinness World Records ay pasok siya sa kategoryang “Pinoy singer na may pinakamaraming mall show” na in all fairness ay tinatao.
Patok rin ang mga kantang included sa I Am Ready CD album ni Nick. At ‘yung single niya na “I Am Ready” ay nahahawig sa isang kanta ni Martin Nievera na type ni Nick na makasama someday sa isang concert.
Samantala, just recently ay tinanghal na Outstanding Male Performer of the Year si Nick sa Laguna Excellence Awards, na dagdag sa dumarami niyang awards.
165