PROTEKSYON SA AUDIO-VISUAL WORKERS PIRMADO NA

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK:  Natuloy na rin ang pagpirma ng Joint Memorandum Circular ng Department of Labor ang Employment o DOLE at ng Film Development Council of the Philippines o FDCP.

Pinangunahan nina DOLE Secretary Silvestre Bello III at FDCP Chairperson Liza Diño ang nagpirma ng naturang memorandum circular noong nakaraang Biyernes na ginanap sa DOLE, at sinaksihan nina Ice Seguerra, Leo Martinez at Rez Cortez.

Sabi ni Liza nang nakapanayam sa radio program naming sa DZRH noong nakaraang Huwebes, halos tatlong taon daw nila itong trinabaho kasama ang Actors Guild, Directors Guild at  filmmakers sa kanilang consultative meetings. Ngayon ay natuloy na rin habang dinidinig naman ang Eddie Garcia Law sa Kongreso.

Maraming guidelines na nakapaloob dito na magbibigay proteksyon sa audio-visual workers.

Kapag hindi raw ito susundin ng producers, mapi-penalize daw sila.

“May karampayang penalties…100 thousand per worker, per hour. So, talagang medyo mabigat din yung enforcement nila.

“Hindi man siya criminalize, pero malaki rin ‘yung penalty sa bwat paglabag,” saad ni Liza Diño-Seguerra.

MARCELITO POMOY NAKULANGAN  SA PERFORMANCE NIYA

 

MARCELITO POMOYSEE: Medyo nakulangan pala si Marcelito Pomoy sa performance niya sa America’s Got Talent dahil hindi raw siya kumportable sa suot niya.

Kuwento ni Marcelito nang umuwi siya sa bansa pagkatapos ng semi-finals, parang hirap daw siyang bumirit noong kinanta niya ang Time to Say Goodbye dahil ang sikip-sikip daw ng suot niya.

Parang hirap daw siyang huminga kaya medyo nakulangan daw siya noong mag-soprano na siya sa boses girl na pagkanta.

Ayaw pa munang i-reveal nina Marcelito kung ano ang kakantahin niya sa grand finals ng AGT. Pero talagang kinakarir na niya at ini-ensayo na niya dahil natsa-challenge siya sa komento ni Simon Cowell na dapat maganda ang performance niya dahil wala na raw ‘yung surprise niya na pagkanta ng dalawang boses.

 

ALDEN FOCUS MUNA SA HOSTING

alden55SWAK: Ngayong tapos na ang The Gift ni Alden Richards, hindi raw muna siya gagawa ng drama series.

Mag-focus daw muna siya sa hosting ng bagong programa niyang Centerstage na magsisimula na sa February 16.

Ngayong hindi na siya gaanong mangangarag sa halos araw-araw na taping, puwede na raw niyang bigyan ng panahon ang lovelife.

Dapat this 2020 ay may lovelife na raw siya.

Naniniwala naman siyang darating ang babaeng para sa kanya kung talagang ipag-adya na ng Diyos.

Pero puwede na raw siya ngayon makipag-date.

AKTRES-AKTRESAN NAWALAN  NG RAKET DAHIL SA ATTITUDE

SEE: Nawalan pala ng isang endorsement itong aktres-aktresan na ito dahil sa mabusisi raw sa mga  detalye na tinatanong sa kliyente.

Ang sabi ng aming source, isang kilalanag supermarket daw dapat ang i-endorse nito, at maganda pa naman ang offer.

Pero ang dami raw tanong. Ang dami raw kundisyones na hindi naman daw ito hinihingi ng ibang artistang mas sikat di hamak sa kanya.

Ang OA pa raw ng itinuring na presyo ng talent fee, kaya umatras na ang may-ari ng sikat na supermarket na ito.

Kaya ang kinuha nila ay ang sikat ding male TV personality na ang dali naman daw kausap at napakabait.

Maganda raw ang resulta ng endorsement ni male TV personality, kaya ang laking tuwa ng may-ari na hindi sila natuloy kay aktres-aktresan na lagi rin daw nag-a-attitude sa set ng programang pinagbidahan nito.

 

 

140

Related posts

Leave a Comment