SUPER flopsina ang latest movie ni Ritz Azul na KontrAdiksyon na produced ng anak ng namayapang record producer na si Bella Tan.
Ano bang mali rito kay Ritz, na maganda’t matalino naman pero mukhang inaalat naman pagdating sa movies?
Well, kahit naman ‘yung ginawa nitong teleserye sa Dreamscape Entertainment na “Promise of Forever” kasama sina Paolo Avelino at Ejay Falcon na kinunan pa sa Europe ay so-so lang ang naging ratings noon kaya’t hindi nagtagal sa ere.
Pero pagdating naman sa comedy ay mukhang may career ang actress at top-rater ang kanilang weekend gag show na “Banana Sundae.” Although sina Angelica Panganiban, Pokwang, John Prats, Jayson Gainza at JC de Vera ang frontliners rito ay agaw pansin ang beauty at kaseksihan ni Ms. Azul sa show.
###
Ang ganda at sarap panoorin ang iba’t-ibang throwback story ng inyong favorite “Eat Bulaga!” hosts sa Kwento Serye. Nagbabalik-alaala ang bawat host ng number one and longest-running noontime variety show kung paano sila napabilang rito.
Ayon pa kay Paolo Ballesteros, bata pa lang siya ay paborito na niya ang “Eat Bulaga!” Sa katunayan, nang mapadaan siya sa Xavierville ay tinandaan niya at sinulat ang address ng Tape Office na No.79 Xavierville Ave, Loyola Heights, Quezon City. Gustong-gusto raw kasi niyang sumali noon naturang show.
Hanggang isang araw, nasa studio na siya at nabigyan ng break na maging host ng pantanghaling programa. The rest is history. Isa nang mahusay na actor-host si Paolo.
Abangan ang inyong “EB!” Dabarkads sa Kwento Serye na bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng show sa kanilang 40 years sa Philippine local television.
BARON, MILYONES ANG KITA SA ‘ANG PROBINSYANO’?
Lubhang napakapalad nitong si Baron Geisler. Magmula nang kupkupin ni Coco Martin at isama sa no. 1 show nito sa buong bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano” ay milyones na uli ang kita ni Baron.
At sa aming palagay, dahil hindi mamatay-matay na character ni Baron at siya ang numerong unong kaaway ni Cardo (Martin) sa nasabing action-drama series na napapanood sa ABS-CBN2, ay tuloy ang akyat sa kanya ng salapi.
Kaya’t sana ay tuparin niya ang ipinangako niya kay Coco na hindi na siya gagawa ng iskandalo at hindi na rin siya maglalasing. Aba’y kapag bumalik siya sa dating gawi ay wala nang magtitiwala pa sa kanya. Sabihin mang mahusay siyang actor, kung tomador naman siya at puro away at gulo ang aatupagin, aba’y patapon na talaga ang buhay nito.
Kaya huwag niyang sayangin pa ang panibagong break lalo’t last card na niya ito.
257