PAREHONG bumibilib sina Kris Bernal at Ritz Azul sa husay ni Jake Cuenca bilang aktor.
Magkasama ang tatlo sa lalabas na movie this week na KontrAdiksyon na dinirehe ni Njel De Mesa para sa Bell Films.
Sabi nga ni Kris, mahirap sabayan ang galing ni Jake kapag magkaeksena sila kaya naloloka siya rito.
Pasalamat siya dahil inaalalayan siya nito kapag nasa harap sila ng kamera. Isa pa, first time ni Kris na gumanap bilang drug addict.
Nag-post pa si Ritz ng complimenting message niya para kay Jake sa photo posting nilang dalawa sa kanyang Instagram wall.
Dito pinuri ni Ritz ang dedikasyon at professionalism ni Jake sa trabaho, at kung paano nito inilalagay sa buong sistema niya ang karakter na ginagampanan.
Nagsisilbing inspirasyon nina Kris at Ritz si Jake sa kani-kanilang acting prowess.
Bukod sa KontrAdiksyon, magkasama rin sa “Los Bastardos” sa ABS-CBN 2 sina Ritz at Jake.
Showing na ngayong Miyerkoles sa mga sinehan ang KontrAdiksyon.
158