EARLY this year, nagtataka ako bakit tila kampante ang kampo ng ABS-CBN, considering na sa March 31, 2020 na mag-e-expire ang franchise nila o ang paggamit nila ng frequency na gamit nila ngayon para mag-broadcast.
Just this week, nag-file sa Supreme Court si Solicitor General Jose Calida ng quo warrato petition para ipawalang-bisa ang franchise ng ABS-CBN bago ito mag-lapse sa March 31. Kung wala nga namang franchise, walang ire-renew na contract!
Itong move na ito ang hindi inaasahan ng Dos. Kaya ngayon lang sila nag-panic. Without this quo warranto case kasi, hindi naman titigil ang operation ng Dos hangga’t hindi inaaksyunan ng Congress ang renewal ng franchise. At sigurado namang papasa ito – both sa Lower House at sa Senado. At kung i-veto man ito ni Pangulong Duterte, babalik lang ito sa Kongreso at pwede nilang baligtarin ang veto ng pangulo.
But this quo warranto case is a different animal, ‘ika nga.
ABS-CBN STARS AND POLITICIANS
At ito rin ang dahilan kung bakit ngayon lang – sa home stretch kumbaga – naglabasan ang apela ng Kapamilya stars para sa mabilis na pagdinig ng franchise renewal ng damuhalang network.
Ang iba ay apela, ang iba naman ay patutsada ang pinost sa socmed accounts nila. Kasama na rito sina Maja Salvador, Joshua Garcia, Kaye Abad, Karla Estrada, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez.
Marami ring politiko ang suportado ang renewal ng franchise ng Dos, kasama na sina Rep. Lito Atienza na ang anak na si Kim ay talent ng Dos, at si Rep. Sol Aragones na dati ring Kapamilya talent.
KAPUSO AND OTHER NETWORKS
Pero hindi lang Kapamilya stars ang nag-iingay ngayon. Pati ang mga Kapuso o taga-GMA 7, ang “mortal enemy” ng Dos pagdating sa ratings war, sumusuporta rin sa renewal ng franchise ng Dos.
Pinaka-vocal dito ay si Kapuso Dingdong Dantes. Sabi niya sa isang post: “Magkaiba man ng bakod, we are one in the media industry. We have one love for the many talents and crafts under this Network, the products and output of which, directly or indirectly, benefit the lives of millions of Filipinos.” Sinabi rin niya na dapat isantabi ng mga politiko ang politika at pairalin ang batas. “In the end, I pray that the true interests of the people, under the rule of law, will prevail over any other political agenda conveniently veiled as a counter-measure against alleged abuses,” sabi niya.
ROBIN TO THE GOVERNMENT’S RESCUE
Sa kanyang socmed post noong February 11, sinabi ni Robin Padilla – na maituturing na Kapamilya dahil ang huling proyekto niya ay sa Dos – ang batas ay dapat patas para sa lahat.
“Mayaman o Mahirap may kapangyarihan o wala sikat man o hindi ang lahat dapat ay pantay-pantay sa harap ng Batas dahil ang hustisya ay walang tinitingnan o tinititigan, ANG MALI ay MALI at ang TAMA ay TAMA, walang maybe o exempted, ang lahat ay mananagot kapag lumabag sa batas.
“Panay na nga ang labag natin sa batas ng Diyos napakapambihira naman kung pati batas ng tao lalabag pa rin tayo. Anong klase na tayong tao at lahi…”
FEBRUARY 12 POST
Ito ang post ni Robin noong Miyerkoles, February 12 (as is). Reaction ito sa kanyang naunang deleted post kung saan binanatan siya ng haters.
“God is great!!! Sabi daw ng netizens Nilaglag ko daw ang network ko, Wow! Mga kababayan, kahit na sino, kahit kaibigan ko, kapatid ko, kapamilya ko at kamag anak ko kapag lumabag ka sa batas dapat kang magbayad sa batas dahil ako nagbayad ako ng tatlong taon sa loob ng Kulungan/Piitan/Bilibid dahil nagbayad ako sa kasalanan ko. Ano bang kinakatakot natin para sa ABSCBN?”
Sinabi pa niyang may tiwala siya batas at “no one is above the law”. Wala raw dapat ikatakot ang walang kasalanan.
FEBRUARY 13 POST: ANG HAMON
Ang post ni Robin noong February 13 (as is): “God is great!! para sa mga superstar ng ABS-CBN at GMA, hinahamon ko kayo, humarap nang live at ipagtanggol nyo ang mga network niyo ilabas natin ang mga contract natin at ikumpara natin sa mga kasama natin sa trabaho sa taping at shooting, ipakita natin sa taongbayan ang tinatamasa natin sa mga network natin at ang tinatamasa ng sinasabi ninyong ipinaglalaban niyo na ‘wag mawalan ng trabaho.
“Gusto niyo pala itama ang mali, abay umpisahan natin sa una pag usapan muna natin ang tamang suweldo benepisyo at tamang oras ng trabaho ng mga kasama natin sa taping at shooting bago niyo ipaglaban ang karapatan ng kumpanya unahin niyo yun tao ng kumpanya na kasama niyo sa bawat araw sa location at wag niyo proteksyonan lang ang regular employees paano yun mga hindi regular?”
Nilinaw rin niya na: “I am for ABS-CBN renewal pero include the agreement of Chairwoman Liza DIño and Secretary Silvestre Bello in there mission and vision una muna tayong magserbisyo sa mga tao natin sa loob natin! sa bakuran natin! bago tayo mangapitbahay.”
Ang tinutukoy niya ay ang napagkasunduan ng FDCP at DOLE na mga patakaran para mapabuti ang kondisyon ng pagtatrabaho sa showbiz industry.
Sa pagtatapos, sinabi ni Robin na: “Hindi lahat sa mundo ay Showbiz at Politics one way or the other the revolution of the people has to be realized!”
O, di ba?
Saan hahantong ito? Kung ako ang tatanungin, mahaba man ang prosesyon, sa simbahan din ng renewal ang patutunguhan ng paradang ito. Pustahan?
215