ROSARYO GABI-GABI; DINGDONG TUTOK SA PANGANGANAK NI MARIAN

teamdantes12

WHATTA MEL(NI MELL T. NAVARRO)

HALOS kabuwanan na ng panganganak ng asawa ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera, dahil in less than a month ay maaaring isinilang na ng magandang aktres ang kanilang ikalawang anak.  Gabi-gabi rin ang pagno-novena ng mag-asawa, praying the Holy Rosary para sa safe delivery ng new baby boy nila.

Tutok na nga si Dong kay Marian at wala munang masyadong tinatanggap na trabaho. Halos hindi nito maiwan ang asawa, mula sa regular na check-up ng OB-gyne doctor nito, pag-prepare ng mga gamit sa new baby, etc. Natutuwa nga raw si Dingdong dahil mga kaibigan pa nila ang naging abala sa baby shower for Marian.

Kasama sa pagdarasal nila ng rosaryo ay ang cute na panganay nilang si Zia na nagiging curious kung para saan raw ba ‘yung ginagawa nila sa bahay.

“Sabi ko sa kanya, it’s a prayer, at ine-explain namin ni Marian kung para saan ‘yun.  Nakakatuwa dahil nasa curious stage si Zia.  Nandoon ‘yung kagustuhan niyang makinig.

Kamakailan, sa isang Vietnamese entertainment website, pasok si Zia sa listahan ng “most beautiful kids of Asian celebrities” at dito proud na proud ang Kapuso Primetime King.

“Nakaka-proud. It’s a good thing na sumusunod siya kay Marian. Ang importante naman ay ‘yung lumaki siyang mabuti, lalo na ngayon na magiging ate na siya.”

Samantala, proud endorser rin si Dong ng Persian Avenue na ang main product ay beef wrap, pero meron rin silang chicken kebab, pork kebab, etc.  Ayon sa magkapatid na Kapampangan na sina Arjay at Paolo Lapid, wala silang ibang nasa isip na kuning endorser kung hindi si Dingdong dahil naniniwala sila sa kakayahan ng aktor na palaguin ang kanilang negosyo.

4

Related posts

Leave a Comment