‘SEMI-HAYAHAY’ NA NGAYON SI HEART EVANGELISTA

heart e12

VIS A VIS copy.jpg(NI RONNIE CARRASCO III)

“SEMI – hayahay.” Wala kaming maisip na description close to the current status of Heart Evangelista sa aspeto ng kanyang trabaho.

Sa ngayon, in-offer-an siya ng kanyang mother network, ang GMA, bilang judge ng nagbabalik na “Starstruck.” It’s a work which entails not much physical pressure.

Outside GMA, may pagbibidahang Chinese movie si Heart, hopefully for international release. Heart’s real last name is Ongpauco na may Chinese origin.

It’s less work these days for the Kapuso actress lalo’t tapos na ang ngaragan sa local elections kung saan her efforts in making her husband Chiz Escudero clinch a gubernatorial seat in Sorsogon paid off.

‘Yun nga lang, hindi ibig sabihin nito’y she’s ready for motherhood.

Kung matatandaan, Heart had a miscarriage kung saan she lost her twins. Devastated man, tinanggap niyang kaloob ‘yon ng Nasa Itaas.

Now in a “semi-hayahay” status, hindi pa rin lubusang handa si Heart to get pregnant. A talk with Chiz over her plan to do and finish her Chinese movie (a once-in-a-lifetime chance) made the former senator understand.

Lahat naman ng bagay happens in God’s perfect time.

###

Kung hindi totoong ipinagdarasal ni Jimmy Bondoc na huwag sanang magsara ang isang network (many believe na patungkol ‘yon sa ABS-CBN), eh, ano?

Sinagot kasi ni Jimmy ang comment ng isang Kapamilya artist who thinks that the network’s closure will result in loss of jobs ng napakaraming empleyado nito (artists and talents included). Hindi nagpakabog si Jimmy by counter-saying na hindi lahat ng mga nagsasarang network face such consequence, maaari naman daw ma-retain sa kumpanya ang mga maayos magtrabaho.

Dagdag pa niya, it can also mean new ownership or management.

Kaso, nabukelya na may pinanggalingan pala ang hanash ni Jimmy, kung saan may ganoon nga siyang panalangin.

Nalimutan na raw ba ng singer na minsan ay nagtrabaho siya sa ABS-CBN particularly on “ASAP” kung saan regular siya? Why wish “extinction” on a company na kahit paano’y nakatulong sa kanya?

Personally, we see beyond this.

Nakikipanalangin lang si Jimmy dahil alam naman nating napag-iinitan o pinag-iinitan (whichever is a more apt conjugation) ng kasalukuyang administrasyon ang higanteng network whose renewal of franchise is in danger.

At best, however, huwag na sanang nakikisali pa si Jimmy sa usaping ‘yon – let alone wish ABS-CBN dead alang-alang na lang sa mga trabahante nito as well as their families. Kung meron siyang personal issues with the network, let them remain strictly personal.

It doesn’t speak well of a supposedly good artist.

 

 

115

Related posts

Leave a Comment