SEN. BONG EXCITED SA KASAL NINA JOLO, ANGELICA   

lolit(NI LOLIT SOLIS)

NEXT week na pala ang wedding nina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Angelica Alita na gaganapin sa Pelican hill sa Newport Beach, California.

Nakikita nyo naman sa mga post nilang magkasintahan na excited na sila sa araw ng kanilang pag-iisang diddib.

Nagsimula nang magbiyahe ang kanilang pamilya at nandun na nga si Mayor Lani Mercado at mga anak nila.

Si Sen. Bong Revilla, sa Martes pa yata ang lipad niya at malamang excited din ito dahil ngayon lang siya mag-long flight uli, magbiyahe ng ganun kalayo pagkatapos niyang na-detain sa Camp Crame ng mahigit apat na taon.

Dati nga nung nasa Crame pa siya, nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya kapag merong miyembro ng pamilya na umaalis sa ibang bansa.

Kaya nagpapasalamat talaga siya na kasama siya sa kasal ng anak niyang si Jolo.

Eto nga, feeling family din itong si Gorgy Rula na isa sa unang nasabihan ni Jolo na ikakasal na siya.

Ang aga niyang na-book pa-Los Angeles para makasama siya sa kasal.

Dapat nga kasama rin ako, pero hindi na raw talaga ako puwede sa mga long flights, kaya mga Asian countries na lang ako puwedeng magbakasyon.

Mabuti nga na-refund pa ni Lani ang ticket na ibinili nila sa akin.

Kaya makibalita na lang tayo kay Gorgy dun sa mangyayari sa kasal.

Ang bongga nga ng line-up ng ninong at ninang nila ha?

Nandiyan sina Sens. Cynthia Villar, Manny Pacquiao, Bong Go, Sonny Angara, Imee Marcos, at Jinggoy Estrada.

Kasama rin si Cong. Loren Legarda, Marissa Andaya, pati si Mayor Sarah Duterte-Carpio, at Mayor Joy Belmonte-Alimurung.

Ninong din pala si Ramon Ang, ang favorite Tita ni Jolo na si Mayor Andeng Ynares, Chaye Cabal-Revilla at Rowena Mendiola.

Ang dami pa na pawang close kay Jolo.

Basta ako promise ko kay Jolo na ipagdarasal ko ang happiness nila ni Angel at magka-baby na sana agad dahil isa rin yan sa gusto talaga ni Jolo na may baby na sila.

 

320

Related posts

Leave a Comment