MORE than a year na nag-lie-low sa showbiz si John Lloyd Cruz dahil sa kanyang natagpuang pag-ibig sa katauhan ng partner na si Ellen Adarna.
Sa estado niya sa showbiz bilang isang magaling na aktor at sikat na showbiz personality, isinakripisyo ni Papa Lloydie ang lahat para sa pag-ibig, katahimikan at kasimplehan ng buhay niya as an ordinary citizen.
Nagbuo siya ng pamilya at ang anak nila ni Ellen ay nag-isang taon na last June.
Sa pagla-lie-low ni John Lloyd, mas nadiskubre at napaigi niya ang pagiging visual artist niya.
Nakailang sali na sa mga group exhibits ang aktor at sabi ng mga nakakakita ng mga likha niya, may career ang aktor pagdating sa kakaibang art niya.
Naging elusive si JLC sa media noong early months niya sa kanyang out-of-showbiz life.
Pero heto’t sa tsika ni Piolo Pascual (kasama niya sa iniendorsong food product together with Bea Alonzo), malapit na ang pagbabalik-showbiz ng aktor.
Ito ang hinihintay-hintay ng mga fans ni Papa Lloydie: ang muling maging aktibo ang idolo nila sa mundo kung saan siya nakilala.
Si Lloydie, magbabalik-showbiz na. Malapit na. At ito ay sa pamamagitan ng isang obra ni Lav Diaz. Matatandaang nagkasama na rin sila ni Papa P. sa isang obra rin ni Direk Lav, ang Hiwaga Ng Hapis.
Wala pang detalye tungkol sa project na ito ni Papa Lloydie, pero alam na natin na one of these days ay magbabalik-showbiz na siya.
148