‘SPECIAL SOMEONE’ NI KARLA ESTRADA, IPINAKILALA NA?

(NI LOURDES FABIAN)

NGAYON ay pwede nang sabihin na kaya naman pala blooming si Momshie Karla Estrada, actress/TV host ay dahil may special someone na nagpapaganda sa kanya at inspirasyon niya.

Pagdating kasi sa kanyang love life ay malihim ito, kaya ikinagulat ng kanilang mga bisita nang dumating siya sa 2nd anniversary ng resto bar na pag-aari ng anak na si Daniel at Vice Ganda kasama ang kanyang special someone na masayang ipinakilala sa mga kaibigang artista na dumalo sa okasyon.

Nakuhanan ng picture ang kanyang special someone together with Sunshine Cruz, Macky Mathay, and James Yap as they posed together for the camera.

Sa video na lumabas sa YouTube, makikita si Karla na umiikot sa bawat table at ipinakikilala ang kanyang ka-date kung saan umugong ang panunukso sa kanya ng mga kaibigan.

Nang mahilingan si Karla na ipakilala ang kanyang ka-date ay no choice na siya kundi ipakilala ito. Karla said: “Okay, this is Jam. Sabay takip niya dito? Wag na natin siyang istorbohin.”

Siyempre pa hindi pinaligtas si Karla at inalam ng mga kaibigan ang lagay ngayon ng kanyang puso na game na game naman niyang sinagot:

“Okey. Masaya naman. Huwag na ako. Well, ‘yung mga anak ko naman ever since supportive sila kasi never naman ako ‘yung talagang nagkakalat, ‘di ba? So, I’m very private with my love life. Hindi kami masyadong labas sa ganoon, e. Hindi kami masyadong nag-uusap sa love life, hindi kami ganoon na cheesy na family. Nahihiya kami sa isa’t isa, basta’t we just make sure na happy ang bawat isa,” dagdag pahayag ni Karla na kakaiba ang kislap ng mga mata at halatang inspirado sa kanyang bagong special someone.

 

 

29

Related posts

Leave a Comment