MEDYO nakakabawi na ang “The Gift” ni Alden Richards from its first few airing nights na nagsimula sa puro kalungkutan at kamalasang nangyayari sa mga pangunahing tauhan nito.
As the plot thickens ay balitang sina Elizabeth Oropesa at Jo Berry — na siyang kumakalinga kay Sep (played by Alden)—ang siyang nagdadala ng kuwento sa matino’t kapani-paniwalang direksyon nito.
Ang panalangin lang ng ilang mga tagasubaybay ng “The Gift”, harinawa’y timplahin ng mga bumubuo ng creative pool nito ang mga sangkap ng kuwento at huwag gawing isang sapilitang tearjerker.
Gumamit pa ng pun o play on words ang aming critic-source para maitawid ang kanyang mensahe sa mga writers nito: stick to the title at huwag itong gawing “The Grief.”
In fairness, sa teleseryeng ito’y kapansin-pansin ang malaking in-improve ni Alden in the acting department.
That in itself is a gift.
SINO ANG ‘PUMATAY’ KINA GERALD AT BAMBOO?
A tale of two cyber deaths.
Ilang araw lang ang pagitan, FB had recently seen two successive showbiz deaths na kinapalooban nina Gerald Anderson at Bamboo (Mañalac).
Bagama’t hindi nakasaad ang cause of “death” ni Bamboo ay ginawang parang totoo ang balita. Buti na lang, hindi ito sinakyan ng mga netizens who brazenly labeled the news as fake.
Mas matindi ang “pagkamatay” ni Gerald. It was reported he perished in a car accident, at namili pa ang walang-magawa-sa-buhay na may pakana nito ng accompanying photo of a wrecked vehicle at may inset na picture ng aktor.
To lend credence to the story ay ginamit pa ng walang-kaluluwang imbentor ang GMA newshen na si Maki Pulido na siyang naghatid ng ulat.
Again, binansagang peke ng mga nag-comment ang balita, even slamming the fake news purveyor na tiyak na may karmang nariyan lang just waiting to happen.
Immediately, wala kang posibleng maiisip na ibang taong may kakayahang mangwalanghiya kina Gerald at Bamboo sa pamamagitan ng “cyber murder”.
In all probability, maaaring maka-Bea Alonzo ang “pumatay” kay Gerald. Posible ring isang miyembro ng pamilya na dumaan at ‘di pinalad makapasa sa “The Voice” ang rumesbak kay Bamboo, isa sa mga hurado roon.
We can only come up with theories. Pero hindi na mahalaga ang finger-pointing. Ang mas importante’y mai-address ng FB admin ang practice na ito before the entire cyber space turns into a massive obituary.
Pero tulad ng nagkakaisang opinyon ng mga commenters, this is an un-Christian deed. Maliban na lang kung sagad-sa-buto ang kasamaan ng isang tao, he won’t wish death to come upon another person not in the way that is tragic.
146