‘TOXIC FREE’ ANGELICA SA BORACAY

angelica p

IPINAKITA  ni Angelica Panganiban ang kanyang seksing-seksing “beach figure” sa sunud-sunod na Instagram posts kamakalawa. Kinunan ang mga larawan habang nasa Boracay ang aktres kasama ang cast ng “Banana Sundae.”

Sa isang caption, sinabi niyang “Realizing you are now toxic-free.” May photo na naka-one piece maroon bikini siya, meron ding picture na nasa rock formation siya. Sa isang Instagram Story, sinabi niyang nag-e-enjoy siya sa kanyang bakasyon. Kailan lang, naging laman ng usapan si Angelica nang sabihin niyang hindi na sila magkaibigan ng ex-boyfriend na si Carlo Aquino.

133

Related posts

Leave a Comment