VICE GANDA UMAMIN NA SA RELASYON NILA NI ION PEREZ

KANINA, October 26, umamin na ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda sa relasyon nila ni Ion Perez. Matapos ang Magpasikat segment ng naturang show, nagkuwento si Vice tungkol sa pag-iisa.

“Mahirap sa buhay na maramdaman mong mag-isa ka at pinipilit mong kumbinsihin yung sarili mo na kaya mo mag-isa,” panimula niya.

Matapos ang mahaba-habang kuwento tungkol sa paghahanap ng katuwang sa buhay, sinabi nito na “Meron na akong katuwang sa buhay,” at itinuro niya si Ion na lumapit sa kanya at humalik sa pisngi niya. Nang tanungin tungkol dito, sinagot ito ni Ion ng, “siguro minahal ko sa kanya yung nakikita niyo sa kanya.”

184

Related posts

Leave a Comment