(NI JOBERT SUCALDITO)
BIHIRA lang akong umattend ng presscons. Kung gusto nila bisitahin nila ako sa DZMM para mag-promote. Open naman ang radio program namin ni Papa Ahwel Paz. Basta may katuturan ang mga projects.
Aliw ako nang personally invited ako ng mga kaibigan sa media conference ng Anton Diva Shine XXII AD concert ng kaibigang Anton at produced ng kaibigang Teri Onor.
Hindi lang sina Vice Ganda at Regine Velasquez ang special guests sa concert sa Cuneta Astrodome sa June 15, 2019. Kasama rin si Michael Pangilinan at ang grupong The Raging Divas. Alam niyo ba na sina Teri at Anton ay dating members ng The Raging Divas?
Sa mediacon na ‘yon inamin ni Anton na may same-sex relationship siya for the longest time. At sinabi niya na alam ni katotong KC Guerrero ang love affair niya. College pa lang si Anton sa DLSU at performer sa Jef’s Cafe sa Solanie Hotel sa Leon Guinto ay bff na ni Anton ang kababayan at co-columnist namin dito sa Saksi Ngayon.
Barkadahan ang treatment, sey ng kafatid na patnugot sa sister newspaper. Saksi kasi si kaibigang KC kadalasan. Barkadahan. Bakit ako ay iniiwan? Hahaha!
Pareho kami ni Vice Ganda na dapat makinig kina Anton at Teri Onor. In fairness, may karapatang magbigay ng payo ang Board Member ng Bataan na si Teri Onor sa kaibigan niyang si Vice Ganda pagdating sa lovelife. Bongga si Teri dahil 19 years na sila ng karelasyon niya.
Kung ang iba, magkakaroon, mawawala, si Teri na kung ano-anong unos at bagyo ang pinagdaanan, magkahalong showbiz at politics pa ang buhay eh, na-maintain ang success ng lovelife!
Ito ang payo ni Teri kay Vice: “Enjoy lang, kapatid. Enjoy lang kung ano ang kaligayahan na tinatamasa mo ngayon sa piling ng taong mahal mo.
“Huwag mong intindihin ang sinasabi ng iba, ang importante, kayong dalawa, masaya. Kasi, sa isang relasyon, ang sumisira lang naman ang mga tao sa paligid.”
Sila raw ng dyowa niya, hindi nila binibilang kung ilang taon na sila o kung gaano na sila katagal. Ang sikreto rin daw sa relasyon ni Teri ay ang hindi niya makakalimutan na bilin ng ina niya sa kanya. Huwag na huwag daw kalilimutan ang “L.T.R.” which means, love, trust and respect.
Anyway, mukhang this time, magiging mas aktibo na nga si Teri sa showbiz dahil hindi siya tumakbo sa kahit na anong posisyon ngayon sa Bataan. Sinimulan na nga niya ito sa kanyang T.O.E.S. (Teri Onor Entertainment Services).
Bukod kay Regine Velasquez na kilalang ini-impersonate ni Anton Diva, special guest din si Vice sa concert na ididirek ni Peter Serrano. Bukod dito, may ipo-produce rin daw siyang indie film na siya rin ang gaganap.
177