VICE, PINAKILALA NA NI ION SA SISTER NIYA SA AMERIKA

vice ganda ion12

(NI LOURDES C. FABIAN)

NASA Amerika si Vice Ganda para sa two-night concert niya na may pamagat na Ang Fantastic Concert Ng Vaklang Twoooh, na ginanap sa Chumash Casino Resort (May 3) at ngayon, May 5, sa Pechanga Resort Casino, kaya naman na-miss siya ng mga loyal supporters ng “It’s Showtime” noong Biyernes. Hindi na namin ikinagulat na kasama niya sa naturang biyahe ang rumored boyfriend niyang si Ion “Kuya Escort” Perez.

Hindi naman talaga pwedeng wala doon si Ion dahil ipakikilala niya pala si Vice sa kapatid niyang babae na naka-base sa Hollywood, California. Nangngahulugan lang na planado na ang nasabing pagkikita. Mukhang pinaninindigan na talaga ni Ion ang sinabi niyang seryoso siya sa feelings niya para kay Vice at handa niya itong ipaglaban.

Mismong ang kapatid ni Ion na si Natalia Perez-Chen ang nag-post ng mga larawan sa Facebook na kasama niya sina Vice, Ion, at ang mister na si Frank Chen. Nangangahulugan lang na proud na proud siya na makilala ang dyowa ng kanyang kapatid na si Ion at tanggap niya si Vice na maging bilas. Bakit naman hindi, eh, sikat yata si Vice kaya naman biglang nagka-career si Ion mula nang madikit sa kanya.

Mensahe ni Natalia sa caption: “Summer is Lab lab (heart, smiley emojis).”

Labinlimang magkakapatid sina Ion at Natalia.

Sa Instagram, nagkalat ang mga kuhang larawan nina Vice, Ion, Jackie “Ate Girl” Gonzaga na halatang enjoy na enjoy sa nasabing trip.

137

Related posts

Leave a Comment