(NI ABBY MENDOZA)
NANINDIGAN ang isang law expert na hindi maitututing na pugante ang nga bilanggo na napalaya sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) kaya hindi maaaring ipatupad sa kanila ang warrantless arrest.
Ipinaliwanag ni UP law professor Pacifico Agabin na legal ang pagpapalabas sa may 2,000 convicts ng New Bilibid Prison kaya hindi sila maaaring ituring na pugante.
Hindi sang-ayon si Agabin sa posisyon nina Justice Secretary Menardo Guevara at House committee on justice chairman Vicente Veloso na maituturing na estado ng “continuously committing an offense” ang mga kaso ng mga napalayang preso kaya maaari silang arestuhin kahit walang warrant kung hindi susuko ang mga ito.
Sinabi ni Agabin na maaari lamang arestuhin ang mga convicts kung mapatutunayan na nanuhol ang mga ito para mapalaya sa ilalim ng GCTA subalit mahirap itong mapatunayan.
Una nang binigyan ng 19 araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga convict para sumuko–ang deadline ay magtatapos sa Setyembre 19, pagkaraan nito ay magpapatupad ng warrantless arrest ang pamahalaan kung saan nag alok pa ng P1M pabuya ang Malacanang.
Giit ni Agabin alam nyang nagbibiro lang ang Pangulong Duterte nang mag-alok pa sya ng pabuya para sa mga maarestong GCTA freed-convict.
“Alam ni Pangulong Dutere ang batas. Prosecutor siya dati. Nagbibiro lamang siya,” pahayag ni Agabin.
141