YAM CONCEPCION, IBINALIK ANG LUXURY CAR SA D.O.M.

PETERLEDESMA(PETER LEDSMA)

SI Yam Concepcion ang ipinalit ng Dreamscape Entertainment kay Erich Gonzales sa Love Thy Woman na pagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Para kay Yam, ayaw na nitong isipin na second choice siya. Ang importante sa kanya ay pagbutihin ang pagganap bilang mayamang si Dana Wong na sobrang bratty at kontrabida sa pagmamahalan nina Kim at Xian.

Sumikat si Yam bilang Jade sa teleseryeng “Halik” at ibang-iba raw ang character na gagampanan niya sa bagong teleserye. Maiinis daw uli ang viewers sa kanya.

Samantala, maganda ang lovelife ni Yam at sila pa rin ng boyfriend niyang non-showbiz guy na bagets na based in San Francisco. Yes, for bagets only lang daw talaga itong si Yam dahil lahat ng mga nag-alok sa kanya noon ng indecent proposal ay ibabahay siya at bubusugin sa salapi. Ito ‘yung time na naghubad si Yam sa launching movie niya sa Viva, at lahat sila ay tinanggihan ng actress.

May isang kilalang businessman na nag-attempt na regaluhan siya ng luxury car na ipina-deliver pa sa kanyang bahay. Ang ginawa raw ni Yam ay ipinasauli niya ito dahil hindi niya talaga kaya ang tumabi sa matandang hindi niya mahal.

Well, may point naman ito, saka kanya-kanyang paniniwala o trip lang ‘yan!

KERVIN AT KENNETH SAWYER HINDI SUSUKUAN ANG CAREER PARA SA PAMILYA 

Parehong mabait na anak itong Sawyer brothers na sina Kervin at Kenneth at lahat ay gagawin nila para sa kanilang mga magulang.

Aside sa pagkanta, minsan ay suma-sideline din sila sa pag-arte. Pareho ring licensed financial adviser ang mag-utol sa isang kilalang insurance company.

Kung noon ay kumakanta sila nang libre sa Philippine Embassy sa Saudi Arabia kung saan tumira sila for 12 years, ngayon ay may bayad na ang bawat gig nila at may single na rin sila na “SMS (One Text Away)” na marami na ang views sa YouTube. May bagong single rin silang ire-release this year.

Kabilang din sina Kervin at Kenneth sa bagong reality TV show na “Musiko” na mapapanood tuwing Sabado at Linggo sa INC TV Channel 37. Napanood ang pilot episode nito last September 15 at maganda ang feedback ng TV viewers sa nasabing show na hino-host nina Jennie Gabriel (impersonator ni Angel Locsin) at Deo Estrella. Songwriting Competition ito na mala-Himig Handog.

Ang awiting “Kwarenta Singko” ang panlaban ng mag-utol.

Si Emerson Tibay ang musical director ng “Musiko” at ang head judge ay si Davey Langit na isa ring singer-songwriter.

Gusto palang pasalamatan nina Kervin at Kenneth ang controversial social media personality na si Dovie San Andres na all-out ang support sa kanilang singing career.

213

Related posts

Leave a Comment