YEN SANTOS, MARAMI RAW LUXURY CARS AT BUILDINGS?

yensantos

I SAY(NI RK VILLACORTA)

MATAGAL na ang bulung-bulungan sa set ng seryeng “Halik” ng Kapamilya Network ang tungkol sa iba’t ibang mga luxury cars na papalit-palit na ipinaparada ni Yen Santos tuwing taping niya sa location.

Kung anu-anong klase ng kotse ang dala-dala niya na ang sabi ng ilang mga  miron na  kakilala ng source namin, ay hindi basta-bastang expensive cars lang ang mga kotse na nirarampa ni Yen tuwing taping. “Super expensive ang mga ito! The likes of Ferrari and BMW na high-end ang mga model.”

Tuloy, marami ang nag-iisip, can Yen afford such luxurious cars gayong magkano lang naman ang talent fee niya sa serye! Hindi naman daw gaano kalaki ang TF to buy cars na milyones ang halaga!

May nagsasabi na very vocal diumano ang ina ni Yen sa pagdepensa sa anak at sa mga  material na mga bagay na kinukuwestiyon ng mga utaw.

Sabi,  inggit lang daw ang nararamdaman ng mga nang-iintriga kay Yen, ayon sa ina nito.

Aside from a collection of expensive cars, we’ve heard na fabulous din diumano ang mga buildings na ipinatayo ng dalaga sa bayan nila sa Nueva Ecija.

We’d like to hear Yen’s side of this issue.

# # #

Last Monday pa pala nakabalik na si Cristine Reyes mula sa shooting nila ni Xian Lim ng pelikulang Untrue kung saan almost one month din sila nag-stay sa Tbilisi (sa bansang Georgia na dating sakop ng USSR) para buuin ang kakaibang kuwento ng pag-ibig na ito from Viva Films.

Nakapulang hair si Cristine sa karakter niya na akala mo nga ay nagprotesta siya sa hiwalayan nila ng dating mister na si Ali Khatibi. ‘Yung red hair ay para pala sa karakter niya sa movie nila ni Xian.

Pero sa grand media conference ng first action movie ng sexy actress na Maria (directed by Pedring A. Lopez), normal ang kulay ng hair niya.

Kakaiba ang role niya rito: she plays an assassin na hina-hunting din ng kapwa assassin na kasamahan niya, si Jennifer Lee.

“Kasi if you enter the syndicate, habang buhay ka na sa kanila. You can’t leave. Syempre, may fear sila na baka ma-expose ng mga dating kasamahan nila na umaalis sa grupo,” kuwento niya.

Bilib ang direkor ng sexy actress dahil almost 90% ng mga action scenes niya ay siya  mismo ang gumawa at hindi niya ito pinag-double sa mga eksena.

Sabi ni Cristine: “It’s definitely the most challenging thing I’ve done in my career. I’m proud of it. Ang peg ko ay si Angelina Jolie for my role.”

(30)

121

Related posts

Leave a Comment