20 INDIE FILMS SA 15TH ANNIVERSARY NG CINEMALAYA FILMFEST

CINEMALAYA-2

Sa ika-15 taong anibersaryo ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, itinatampok nito ang entries kung saan 10 ang nakapasok para sa Full-Length Films categories habang 10 rin ang para sa Short Films.

Ang indie films na kalahok para sa festival ay kasalukuyang mapapanood sa Manila, Pampanga, Naga, Legaspi, Iloilo, Bacolod at Davao.

Ang Cinemalaya film festival sa Manila ay mapapanood din sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay.

Ang kompetisyong ito ay handog ng CCP at ng Ci­nemalaya Foundation, Inc.

Para sa Full-Length Films

  1. ANi (THE HARVEST)

ANI.jpgNang magkasakit ang kanyang lolo, isang batang ulila at ang sira nitong laruang robot ay nagsimula sa isang pakikipagsapalaran upang makahanap ng mga binhing may mahika na makatutulong sa pagsagip sa buhay ng matanda.

Buod:

Ang setting ay 2050 sa State of Bicol, Philippines, Mithi, kung saan ang isang ulilang batang lalaki na lumipat sa isang bukirin kasama ang kanyang lolo Mauricio.

Nang magkasakit ang matanda, at ganoon din ang kinahantungan ng kanilang mga pananim, ang bata ay nakipagsapalaran kasama ang kanyang sirang robot upang makahanap ng mga binhing may mahika na pinaniniwalaan niyang makasasagip sa buhay ng kanyang lolo.

Ang filmmakers:

Ito ay sa direksyon ni Kim Zuñiga na noon pa man ay isa nang storyteller.

Ang kanyang short film na “Bimyana,” isang coming-of-age tale ng isang batang babaeng Ayta, ay napalabas na sa 2014 Metro Manila Film Festival New Wave, at 2015 Manhattan International Festival sa New York City kung saan ito ay kinilalang third Best Film.

Samantala ang direktor ng pelikulang Ani na si Sandro del Rosario ay may hilig na sa paggawa ng pelikula noong siya ay bata pa lamang. Isa siyang big fan ng mga pelikulang tulad ng Blade Runner at Jurassic Park. Nais niyang lumikha ng malalaking pelikula lalo na ang mga science fiction sa Philippine cinema.

Noong 2016, ang kanyang science fiction short na “Dystopium,” ay naging bahagi ng 2017 Viddsee Juree Philippines.

Ito ang kanilang kauna-unahang pagsali sa Cinemalaya sa pagsumite ng kanilang full length na “ANi.”

Noong 2018, ang ANi ay tumanggap ng parangal na Best Film Pitch sa ginanap na DGPI – FDCP Film Pitch competition, at isa sa top projects sa Southeast Asian Film Financing (SAFF) Forum sa Singapore.

(120 MINUTES | Science Fiction, Coming-of-Age | Rating: PG)

  1. BELLE DOULEUR (BEAUTIFUL PAIN)

BELLE DOULEURUpang mapagtanto ang tunay na kaligayahan, isang babae ang kumawala sa lipunan na naglalagay sa mga kababaihan sa nakagawiang tradisyon.

Buod:

Si Liz, na isang 45-anyos, single at isang clinical psychologist na kalaunan ay napagtanto ang kanyang sitwasyon at iniwan ang ganoong uri ng pamumuhay matapos na pumanaw ang kanyang mga magulang na kanyang inalagaan nang mahabang taon. Sa payo ng kanyang kaibigan, pinaliit niya ang kanyang tahanan at nakilala si Josh, isang batang antique dealer na matagal na ring solo sa buhay matapos na pumanaw ang kanyang ama, ina at lolo. Dahil sa parehas sila ng sitwasyon sa buhay, ay naging malapit sa isa’t isa sina Liz at Josh.

Ang filmmaker:

Isa sa Ten Outstanding Young Scientists of the Philippines, pinagpatuloy ni Joji Villanueva Alonso ang kanyang degree sa political science at law at naging abogado at ngayon ay marami nang corporate accounts. Naging host na rin siya sa Legal Forum at The Police Hour noong 1992 at 1993. Kalaunan ay nakipagsapalaran din sa paglikha ng pelikula sa ilalim ng Quantum Films,

Nakapag-produce ng 32 feature films kabilang na rito ang two-time Fipresci awardee at NETPAC awardee na “The Bet Collector”, maging ang Philippine entry sa Oscars na, “The Woman in the Septic Tank.” Sa kasalukuyan siya ay bahagi ng production ng “Whether the Weather is Fine,” isang obra ng La Fabrique Cannes, Torino Film Lab at ng L’atelier Cinefoundation Cannes. Ang kanyang first short film na, “Last Order,” ay nagwagi sa Pyongyang International Film Festival sa North Korea. Ang kanyang debut as full-length director ngayon ay ang “Belle Douleur” sa Cinemalaya 2019. Pinamumunuan niya ang Quantum Post, isang post-production house para sa independent filmmakers at studios simula pa noong 2013.

(1 HOUR, 37 MINUTES | Romance | Rating: R-13)

  1. CHILDREN OF THE RIVER

Mula sa mga tawag sa telepono na sumira sa buhay ng apat na magkakaibigan.

Buod:

Nangako na aalagaan ang isa’t isa, si Elias at ang tatlo nitong matatalik na kaibigan ay laging nagtatawagan sa telepono bago simulan ang kanilang bagong adventure.

Ngunit nang pumasok na ang outsider na si Ted at magtungo sa kanilang lugar, naging daan ito sa pagbabago ni Elias. Hirap at lito, naghanap ito ng comfort sa kanyang mga kaibigan hanggang sa unti-unti niyang matanggap sa sarili ang kanyang identity.

Sa simula ay maayos ito hanggang sa duma­ting ang isang kagulat-gulat na pangyayari.

Ang filmmaker:

Ipinanganak sa Santiago, Isabela, si Maricel Cabrera-Ca­riaga ay nagtapos sa kursong BS Computer Engineering (2005), MS Information Technology (Thesis Program, 2012), MA Education (Major in Educational Management, 2014), BS Secondary Education (Major in Mathematics, 2014) sa University of La Salette, Santiago City, Isabela. Ang kanyang film career ay nagsimula nang mag-aral siya ng Advance Motion Picture Production sa Asia Pacific Film Institute noong 2014-2015. Naging bahagi rin ito sa 2nd Brillante Mendoza Film Workshop noong 2015 at nakalikha ng short film na “Lapis.” Dumalo na rin siya sa workshops gaya ng Ricky Lee Scriptwriting Workshop and Directing Actors sa ilalim ng director na si Emmanuel dela Cruz.

(Rating: PG)

  1. EDWARD

EDWARDIsang public hospital na naging saksi sa sitwasyon ng isang batang lalaki na inaalagaan ang kanyang amang may sakit.

Buod:

Si Edward ay matagal nang nasa ospital upang maalagaan ang kanyang amang may sakit.

Hiwalay sa kanyang amang si Mario at half-brother na si Renato, naging playground na ni Edward ang ospital, hindi alintana ang kawalan ng pag-asa na pumapalibot sa kanya. Ang ugali niyang hindi maingat ay nagbago nang makilala nito si Agnes, isang batang pasyente sa ospital ding ‘yon. Naghahanap ng lakas at kanlungan sa isa’t isa, naging malapit sina Edward at Agnes.

Ang filmmaker:

Nakuha ni Thop Nazareno ang kanyang degree sa Multimedia Arts sa College of St. Benilde – School of Design and Arts. Ang kanyang unang feature ay ang award-winning Cinemalaya film na “Kiko Boksingero,” na tumanggap ng parangal bilang Best First Feature sa Young Critics Circle Awards 2018, Audience Choice Award at Pista ng Pelikulang Pilipino 2018, at naging nominadong Best Director sa FAMAS Awards 2018. Siya ay isang film director, ang kanyang obrang “123” ay nanalo ng Best Editing sa Northern Virginia International Film and Music Festival 2018.

Tumanggap din ng pagkilala si Thop ng nominations mula sa Asean International Film Festival, FAMAS Awards, Gawad Urian at PMPC Star Awards for Directing, Editing and Producing. (Itutuloy bukas)

437

Related posts

Leave a Comment