Idinaos ang “HAPPY WALK 2023” na isang bahagi ng pagdiriwang ng National Down Syndrome Consciousness Month noong nakaraang Pebrero 26, 2023 na ginanap sa Mall of Asia Music Hall, Pasay City.
Ang HAPPY WALK 2023 ay isinagawa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng SM Cares na bahagi ng SM Foundation at Down Syndrome Association of the Philippines, Inc. (DSAPI).
Kabilang sa mga dumalo ay sina Ginoong Hans T. Sy, Chairman ng SM Prime Holdings; Engr. Bien Mateo, Chairman ng SM Foundation at Ginoong Nill Arroyo, Chairman ng Happy Walk Event 2023 at ang Chairman ng DSAPI na si Ginoong Elmer Lapeña.
Ang DSAPI ay binuo para magbigay ng suporta sa mga pamilyang may mga anak na down syndrome na tinaguriang “kami ay mga natatanging nilalang”.
Ang nasabing pagdiriwang ay sabay-sabay na ginanap sa mga lugar ng Maynila, DSAPI Cebu, Davao, Cagayan de Oro at Bacolod.
Sa panayam ng SAKSINGAYON kay Arroyo, gusto namin ipakita na bukod sa pagpromote ay ang awareness at i-employ ang may down syndrome.
Ayon pa sa kanya, sa nakaraang 20 taon nilang ginagawang programa sa may down syndrome ay nakahahatak sila ng maraming attendees at ito ay bunga ng kanilang ginagawang drive awareness
sobrang positive at inaasahan nilang dodoble pa ito.
“Early intervention, love them, embrace them, pag nakita nyo sila, i-hug nyo sila akapin nyo,” payo pa niya sa taumbayan.
Sinabi naman ni Mateo na kaya nila ginagawa ito para sa pagmamahal sa mga bata, nasa 600 na ang attendees na inaasahan na aabutin pa ito ng libo, at 16 taon nila itong ginagawa kasama ang kanilang partners.
“We are very much happy after COVID-19 pandemic, inaasahan namin na lalo pang dadami ang sasama sa amin,” dagdag pa niya.
Sinabi naman ni Ginoong Lapeña na kaya itinatag ang DSAPI ay para magprovide ng awareness at understanding kung ano ang gagawin namin sa mga anak namin.
“Tutulungan namin ang mga pamilya kung paano ang kanilang gagawin, tulad ngayon iba-iba ang kanilang kakayanan, pwede sila magtrabaho, we encourage sa maraming kumpanya na tumanggap sa kanila,” paliwanag pa ni Mateo.
Binanggit pa niya na ang kanilang ginagawa ngayon na HAPPY WALK 2023 ay bahagi ng National Down Syndrome Consiousness Month na ipinagdiriwang sa buong bansa.
Ayon pa sa kanya, ito ang kanilang kauna-unahang paglulunsad na face to face matapos ang pananalasa ng COVID-19 pandemic nitong nakaraang dalawang taon na inasahan nilang marami ang makikiisa.Kasabay nito, nanawagan siya sa mga magulang na may down syndrome ang kanilang mga anak ay welcome sila sa DSAPI para matulungan sila sa awareness at iba pang payo na ikabubuti ng mga bata na may karamdaman nito. (Joel O. Amongo)
