UMANI ng papuri ang ARENA PLUS (ARENA PLUS, ASTIG SA SPORTS!) sa kanilang ginawang anunsyo ng kanilang bagong product endorser na si Austin Tyler Reaves manlalaro ng Los Angeles Lakers sa NBA sa kanilang isinagawang Press Conference sa Shangri-La Hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig noong nakaraang Agusto 3, 2024.
Nagsimula ang Arena Plus Announcement of New Endorser Austin Reaves, Press Conference, August 3, 2024, 9:00 AM to 9:45 AM – Registration hanggang 10:00 AM to 01:00 AM – Program Proper.
Sinagot ni Reaves ang ibat-ibang katanungan mula sa mga kagawad ng media sa Pilipinas.
Kabilang sa mga nagiging katanungan ng media practitioners sa bansa ay ang kaugnay sa pagiging NBA player nito.
Natanong din ng 26-anyos at tubong Newark, Arkansas, United States sa mga kasamahan niya sa NBA na tulad nila LeBron James at Koby Bryant.
Tinanong din si Reaves kung anong nagustuhan niyang pagkain sa Pilipinas sa panahon ng kanyang pananatili dito.
Bukod sa mga tanong kay Reaves ay tinilian din siya ng kanyang mga tagahanga na dumalo sa nasabing PresCon.
Pinasalamatan naman ni Reaves ang kanyang fans sa Pilipinas na kung saan ay nag-enjoy siya sa pakikipagpa-picture sa media people at mga tagahangan na naroon.
Kasabay nito, ipinagmalaki at pinasalamatan ni Rafael Jasper Vicencio ng Total Gamezone Xtreme, Inc. na naging endorser nila ang sikat na manlalaro ng NBA LA Lakers.
Dahil dito, ang ARENA PLUS ay namigay ng signature shoes (Dragon Dance) ni Austin Reaves sa mga taga-media na dumalo sa naturang okasyon.
Dumalo rin sa okasyon si Aaron Matthew Reilly na kasama sa presidential table, ilang mga opisyal at empleyado ng Arena Plus. (Joel O. Amongo)
145