BACTERIAL VAGINOSIS, DELIKADO

BACTERIAL VAGINOSIS

Bacterial vaginosis? Ano ‘yon?

Ito ay isang pangkaraniwang sakit ng mga babae sa maselang bahagi ng katawan na may dalang malansang amoy dahil sa impeksyon.

Ang impeksyon na ito ay dahil sa bacterial vaginosis.

Ang bacterial vaginosis ay tinatawag ding vaginal bacteriosis.

KAILAN ITO NANGYAYARI?

Pangkaraniwan itong nangyayari matapos makipagtalik ang babae sa bagong partner ngunit madalang naman ang kasong ito sa mga hindi pa nakaranas ng pakikipagniig.

Ang dinadapuan nito ay nasa edad 15-44 taong gulang.

ANO ANG SANHI NITO?

“BV is caused by an imbalance of naturally occurring bacterial flora, the usual bacteria found in a woman’s vagina. Why this happens is not clear,” ayon sa espesyalista.

BAKIT MAYROONG BACTERIA?

Lahat ng bahagi ng ating katawan ay may bacteria. Ang bacteria na ito ay may pakinabang habang ang iba sa mga ito ay delikado.

Ang private part ng babae ay karaniwang mayroong “good” bacteria at mayroon ding bad bacteria. Kapag mas maraming bad bacteria, siguradong may problemang lalabas. Nangyayari ang bacterial vaginosis kapag mas maraming bad bacteria ang nasa private part ng babae.

Ang tawag sa bacteria na nasa kaselanang bahagi ay lactobacilli. Ang bacteria na ito ay naglalabas ng lactic acid, kaya ang vagina ay medyo acidic. Ito ang tumutulong upang ang ibang bacteria ay hindi mamahay at dumami sa vagina.

Kapag kaunti lamang ang lactobacilli ay nagiging less acidic ang vagina. Kapag hindi acidic ang vagina gaya ng dapat, mas nagkakaroon ng bad bacteria. Gayunman ang eksaktong dami ng harmful bacteria na ito na konektado sa pagkakaroon ng bacterial vaginosis ay hindi pa sigurado.

Ang kondisyon na ito ay iba sa pagkakaroon ng candidiasis, na isang yeast infection, o Trichomonas vaginalis (T. vaginal-is), o trichomoniasis, na kilala rin sa tawag na trich. Ang mga ito ay hindi sanhi ng bacteria.

Ang pagkakaroon ng bacterial vaginosis ay hindi nakukuha sa banyo o toilet seats, swimming pools, o sa paghawak sa mga bagay.

Karaniwang hindi ginagamot ang lalaking kapareha, pero maaari nilang maikalat ang bacterial vaginosis sa iba’t ibang mga babae sa pakikipagtalik.

MAY PELIGRO BA?

Delikado ang kasong ito dahil prone ang babae na magkaroon ng sexually transmitted infection (STI). Gayunman hindi ito isang STI.

Kapag hindi ito nagamot ay posibleng mauwi sa mas malalang kaso o ang pagkakaroon ng seryosong komplikasyon.

Kahit sino ay maaaring magkaroon ng bacterial vaginosis. May risk factors din para magkaroon nito – depende sa ak-tibidad ng tao o sa kilos nito, gaya ng mga sumusunod:

– paggamit ng medicated solution sa paglinis ng maselang bahagi ng katawan ng babae

– paliligo na may antiseptic liquids

– pagkakaroon ng bagong sex partner

– pagkakaroon ng maraming sex partners

– paninigarilyo

– paglalaba ng underwear gamit ang matapang na sabon

– paggamit ng scented soap, perfume bubble baths

ANONG MGA SENYALES NG BACTERIAL VAGINOSIS?

– mabaho o malansang amoy

– matubig, malabnaw na discharge (likidong lumalabas sa kaselanan ng babae)

– makati sa paligid ng mase­lang bahagi ng katawan ng babae

– kulay puti, gray o maabong discharge

– Masakit o mahapding pakiramdam sa maselang bahagi ng katawan ng babae lalo na kapag umiihi.

Hindi lahat ng may bacterial vaginosis ay nakararanas ng sintomas. Sa pag-aaral, 50 hanggang 75 porsyento ng mga kab-abaihang mayroon nito ay inaakalang normal lang ang kanilang pakiramdam pero taglay na nila ang kasong ito.

Hindi delikado ang sakit na ito ngunit delikado kung mapapabayaan.

KOMPLIKASYON

Kapag mayroon ka nito mataas ang tsansa mong magkaroon ng mga sumusunod:

– HIV o human immunodeficiency viruses infection

– Pagkakaroon ng STI tulad ng herpes, simplex virus, chlamydia, gonorrhea, and human papilloma virus o HPV

– post-surgical infection, ha­limbawa, matapos ang termination o ang hysterectomy

Kapag buntis ang babae ang komplikasyon na maaari niyang maranasan ay ang:

– early o preterm delivery

– loss of pregnancy

– pagputok ng panubigan

– postpartum endometritis, isang iritasyon o pamamaga sa lining ng uterus matapos ang delivery

– tubal factor infertility, sanhi ng pagkasira ng fallopian tubes, na kumukonekta sa ovaries sa uterus

– chorioamnionitis, isang pamamaga ng membranes na nakapaligid sa fetus, na tinatawag na chorion at amnion

Ang chorioamnionitis ay hindi basta-basta dahil mataas ang tsansa nito na mapaaga ang panganganak. Kapag nabuhay ang bata, may peligro itong magkaroon ng celebral palsy.

Ang in-vitro fertilization (IVF) ay malabong maging successful kung ang babae ay may bacterial vaginosis.

Ang pagkakaroon ng bacterial vaginosis ay nagpapataas sa peligro ng pagkakaroon ng pelvic inflammatory disease (PID), isang impeksyon at pamamaga ng upper female genital tract na maaaring magkaroon ng malalang kinahihi-natnan, kabilang na ang infertility.

PAANO ITO NAGAGAMOT?

Sa unang senyales na makita ito o maramdaman, kailangan nang magpasuri sa doktor. Hindi dapat itong ipagsawalang-bahala.

Sa ganitong kondisyon, karaniwang inirereseta ng doktor ang pag-inom ng antibiotics. May home remedies ngunit mas mai­ging magpatingin sa doktor.

May ibang doktor na maliban sa pagbibigay nila ng mga gamot, ay ipinapayo sa pasyente na kumain ng ma-susustansyang pagkain, at pinapainom din sila ng probiotic drinks.

744

Related posts

Leave a Comment