Pinasinayaan kamakailan ng Meralco ang bagong San Ildefonso 69 kV – 13.8 kV Substation na matatagpuan sa kahabaan ng Pan-Philippine Highway (Daang Maharlika) sa San Ildefonso, Bulacan.
Ang bagong substation ay makababawas sa load ng kalapit na San Miguel Substation 33-MVA power transformer banks 1 at 2, at makapagbibigay ng karagdagang kapasidad na 50 MVA upang tugunan ang lumalaking pangangailangan sa mga bayan ng San Ildefonso, at San Miguel sa lalawigan ng Bulacan.
Bahagi ng proyektong ito ang pagtatayo ng isang (1) three-phase power transformer na may on-load tap changer, tatlong (3) 69-kV circuit breaker, at isang (1) 13.8-kV indoor-modular switchgear na layuning makapagbigay ng switching flexibility.
Patuloy na nagsisikap ang Meralco upang lalong mapabuti ang paghahatid ng ligtas, sapat, maaasahan at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa lahat ng customer nito.
464