CHOOSING THE RIGHT JEWELRY

RIGHT JEWELRY

Ang paggamit ng jewelry ay dapat may sinusunod ding rules para ma-complement nang maayos ang iyong sarili at ang damit na iyong isusuot.

Marami sa atin ang hindi marunong “magdala” ng jewelry kaya ang iba ay baduy, boring o exaggerated na.

LAYERING: RINGS, NECKLACES, BANGLES

NecklaceDito ay pwede tayong mag-experiment sa haba, shapes, textures at kulay ng jewelry at gamitan ito ng rings, necklaces, bangles at maging ang hikaw.

Sa mga kwintas halimbawa, i-consider ang pag-layer nito na may iba’t ibang haba. Pero siguraduhin ding iisa ang itsura nito o bagay sa isa’t isa.

PAUSE, STOP KUNG ‘DI NA TAMA

Kapag hindi na maganda sa kabuuang porma, kung overacting na ito ay dapat munang mag-isip o huminto.

Hindi kailangang maging sobra-sobra ang jewelry na suot. Kung halimbawa ay may suot ka nang layered jewelry, simplehan na lamang ang bracelet at gawin na lamang itong one-piece. Iwasan na rin ang paggamit pa ng bangles.

Isang halimbawa pa ay kung may chunky earrings ka nang suot ay iwasan nang magsuot pa ng chunky necklace lalo na kung ibang-iba ang designs nito.

BE CAREFUL SA PAGPILI NG EARRINGS

Sa pagpili ng earrings, dapat ay bagay ito sa iyong mukha at mako-compliment nito talaga ang iyong mukha. Dapat ang aim ng earrings na suot mo ay mapi-frame nito ang iyong mukha, ma-compliment din ang iyong buhok, eye color at skin tone.

BE CAREFUL SA PAG-MIX NG METALS

jewelryMaging maingat sa paghalo o pagsuot nang sabay ng jewelry na magkaiba ang uri ng metal.

Kung ang contrast ng uri ng metals lalo na ang color nito na ang isa ay sobra ang tingkad at masakit na sa mata ay mabuting huwag na itong pagsabayin ng suot.

Pwedeng pagsabayin ang silver at gold basta ang dating nito ay magko-compliment sa bawat isa at sa total look ng iyong kasuotan.

CLEAN YOUR JEWELRY

Last but not the least, huwag kalimutang linisan nang regular ang inyong jewelry kahit ano pang uri ng metal ito.

Bago suotin at matapos gamitin ay linisan ito at ilagay sa jewelry box para maiwasang ma-deform ito, magasgasan o aksidenteng mapatakan ng chemicals na makasisira sa jewelry.

379

Related posts

Leave a Comment