CINEMALAYA TUMANGGAP NG NIKKEI ASIA PRIZE

Cinemalaya-1

TumanGgap ng prestihiyosong Nikkei Asia Prize for Culture and Community ang Cinemalaya Foundation.

Ang naturang pagkilala ay dahil sa ipinamamalas na pagpapahalaga ng Cinemalaya sa industriya ng mga pelikulang likha ng mga Filipino.

Cinemalaya continues its valuable efforts to shed a new light on the countrys film industry, which had been viewed as dead following a huge decline in production, ayon sa Nikkei. The name Cinemalaya is a portmanteau of Filipino words reflecting the founders belief that cinema, cine, could enliven consciousness, malay, by telling stories in a free and independent manner, malaya.

Simula pa noong 2004 ay sinusuportahan na ng Cinemalaya Foundation ang young filmmakers at itinataguyod nito ang mga best cinematic work sa mundo sa pamamagitan ng taunang Cinemalaya Philippine Independent Festival, na gumagabay sa muling pagbuhay sa industriya ng pelikula ng ating lahi.

Bago pa ang pagkakaroon ng Cinemalaya Foundation, nahaharap na noon sa katamlayan ang industriya ng pelikulang Filipino. Noong 2004, mas paunti nang paunti ang nalilikhang proyekto. Ang mga tanging lumalabas lamang na mga proyekto ay mga uninspired romantic comedies o action films na hindi rin tinatao sa mga sinehan.

Sa pagkakataong ito ay bumuo ang actress-director na si Laurice Guillen, na siya noong chairperson ng Film Development Council of the Philippines, at si Nestor Jardin, dating pangulo ng Cultural Center of the Philippines (CCP), upang muling buhayin ang pelikulang Filipino at gabayan ang young filmmakers sa pagbuo ng kanilang mga obra.

Ang layuning ito ay sinuportahan ng businessman na si Antonio Cojuangco na noong panahon ‘yon ay naghahanap ng makabagong nilalaman para sa kanyang Dream Satellite TV, ngunit dismayado sa mababang kalidad ng local films.

Ang pagtulong ni Cojuangco ay nasa kondisyon na ang tanging sesentro at lalahok lamang sa festival ay mula sa mga batang filmmakers na nakapaglikha pa lamang ng isa o dalawang pelikula.

Noong 2005 ay nagkaroon na ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa pakikipagtulungan ng CCP. Dito na nagsimulang umangat ang kalidad ng mga pelikulang likha ng young filmmakers at pagdami ng mga manonood. Sa taong ito, ang film festival ay nasa ika-15 taon na ng kanilang pagdiriwang na gaganapin sa Agosto 2-11.

May initial budget lamang noon na P11 milyon na ibinigay ni Cojuangco, at dito na inilunsad ang film competition, kung saan may P500,000 financial support ang kada isa sa 10 film projects na kanilang mapipili mula sa mga aplikasyong naisusumite.

Simula noon ay ang Cinemalaya ay kinilalang biggest indie film festival sa bansa.

Ang Nikkei Asia Prize ay taunang ibinibigay sa mga indibidwal at grupo sa Asya na may kontribusyon sa ikauunlad ng mga rehiyon para sa kinabukasan ng mga ito.

This recognition also helps to bring awareness of our movies to global audiences of our movies to global audiences and since Cinemalaya includes the exhibition of films from other countries, it is our hope that this builds bridges of empathy across cultures. In this age of fake news and the weaponising of social media, we offer our Festival as an alternative space for truth telling, ani Cojuangco sa kanyang acceptance speech sa Japan noong Mayo 29.

126

Related posts

Leave a Comment