CONCEPCION: DIGITALIZATION, SUSI SA PAGPAPALAKAS NG PINOY MSMES

“There has never been a better time to become an entrepreneur as today, when digital technology is making it easier for MSMEs to level up their businesses.” Ito ang sinabi ni Go Negosyo founder Joey Concepcion, habang binigyang-diin ang papel ng digitalization sa pagpapataas ng competitiveness ng mga MSME ng Pilipinas. Ginawa niya ang pahayag sa Digital Sign Up Now 2022, na inorganisa upang hikayatin ang mga MSME na simulan ang kanilang digital transformation.

 

“Nakinabang nang husto ang MSMEs noong pandemic dahil sa mga e-wallet, delivery app, at social media, na nagbigay-daan sa kanila na makipagsabayan sa mga malalaking kumpanya. Makabuluhan ito para sa ating lahat dahil ang MSMEs ay nagbibigay ng higit sa kalahati ng mga trabaho sa Pilipinas,” aniya.

 

Sumalli sa Digital Sign Up Now ang daan-daang MSMEs, mga founder ng digital startups, mga executives mula sa digital technology companies at incubators, mga eksperto sa creative industry, gayundin ang mga propesyonal at estudyante sa larangan ng digital na teknolohiya. Nagbigay din ng kanilang suporta si Ambassador Folakemi I. Akinleye ng Nigeria; Heather Variava, ang Deputy Chief of Mission ng US Embassy sa Pilipinas; at USec. David Almirol ng Department of Information and Communication Technology (DICT).

 

Kasama ng Go Negosyo ang US Embassy sa Pilipinas sap ag-organisa ng Digital Sign Up Now 2022. Tampok ang forum na kasama ang mga pangunahing pangalan sa digital sa bansa, at mga learning session mula sa mga digital creative, fintech experts, e-commerce executives, at mga sikat na influencer sa social media.

 

“There’s really no excuse to not become an entrepreneur now,” sabi ni Brian Cu, tagapagtatag ng SariSuki, na naglalayong gawing mas abot-kaya ang essential goods para sa mga ordinaryong mamimili. Kasama niya sa panel discussion ang mga ibang startups na nag-aalok ng mga solusyon sa small-business management systems (Peddlr), logistics and transport (Angkas), live selling (Shoppertainment), at professional content creation (Tier One Entertainment).

 

Sinabi ni Heather Variava, Deputy Chief of Mission ng US Embassy sa Pilipinas, sa kanyang talumpati ang kahalagahan ng cybersecurity. Sinabi niya na priority ng US Government na magbigay ng secure at stable na cybersecurity environment, lalo na para sa mga entrepreneur.

 

Ibinahagi ni DICT USec. David Almirol na ang gobyerno ng Pilipinas ay maglulunsad bago matapos ang 2022 ang isang serbisyo na pag-sasama-samahin ang mga platform ng e-commerce na angkop sa maliliit na negosyante. Ipinahayag din ni SM Supermalls President Steven Tan ang suporta ng SM, at sinabing 80 porsiyento ng mga supplier nito ay MSMEs, at ang mga bagong konsepto ay madalas na isinilang mula sa maliliit na negosyo.

Itinampok sa Digital Sign Up Now ang mga 30-minutong session, habang ang mga aktibong negosyante ay nakatanggap ng one-on-one na mentoring. Mayroong ding mga kumpanya na nagbigay ng payo at agarang serbisyo sa mga gusting sumubok gumamit ng mga online na serbisyo. Naka-sign up din sila on site para sa Go Negosyo Angat Lahat sa Digital Alliance. Mayroon ding nanalo ng pandagdag-puhunan upang simulan o palaguin ang kanilang mga negosyo.

 

14

Related posts

Leave a Comment