CONCEPCION, IMINUNGKAHI ANG PAG-DEPUTIZE NG MGA PRIBADONG OSPITAL PARA SA BIVALENT VACCINES

Ang mga pribadong ospital ay maaaring italaga ng gobyerno upang bumili at mangasiwa ng mga bivalent vaccines laban sa Covid 19. Ito ay iminungkahi ni Go Negosyo founder Joey Concepcion. Natatayang limitado lamang ang mga bivalent vaccines na maipamimigay ng gobyerno kung isasaalang-alang nito kung magkano ang mabibili at ilan ang maihahatid na bakuna.

Ang bivalent vaccine ay kayang magbigay ng malawak na proteksyon laban sa COVID-19 at mas mahusay na proteksyon laban sa omicron variant.

“Ang 10 milyong dosis, o gaano man kalaki ang bilhin ng gobyerno, ay unang ilalaan sa matatanda, immunocompromised at mga may comorbidities; ngunit maaaring may iba pa sa labas ng mga prayoridad na sektor na ito na nais ding mabakunahan ng bivalent vaccines,” sabi ni Concepcion.

Aniya, lahat ng pribadong ospital ay may kayang mag-handle ng mga bakuna at lahat ay  maaaring makipag-kasundo sa gobyerno upang makabili ng bivalent vaccines.

Si Dr. Benjamin Co, Chief Medical Officer ng Metro Pacific Hospital Holdings, ay sumang-ayon sa panukala ni Concepcion. “I think the best option is to make it available for a fee or at cost. For those who can very well afford it, they can get it from private clinics that offer this and we can charge an administration fee plus the cost of the vaccine,” sabi niya.

Pwede ring maging bahagi ito ng corporate social responsibility ng mga pribadong ospital. ” The remaining free vaccines can be appropriated to the rest of the Filipinos who cannot afford this but would like to get vaccinated,” sabi ni Dr. Co.

Ayon kay Vaccine Experts Panel member Dr. Rontgene Solante, na siya ring tagapangulo ng Adult Infectious Diseases at Tropical Medicine sa San Lazaro Hospital, maiibsan ng pagtulong ng mga pribadong ospital ang pasanin sa gobyerno upang mas matututukan nito ang mga sektor na mas nangangailangan.

“Private sector involvement is another important layer to achieve higher vaccine accessibility and coverage,” sabi ni Dr. Solante. “This is critical especially with waning interest in booster doses of Covid vaccines. Government should always find ways to engage with the private sector, which has been an important partner of DOH during the pandemic.”

Ang lahat ng mga bakuna sa Covid-19 ay nasa ilalim pa rin ng Emergency Use Authorization, na nangangahulugang tanging gobyerno lamang ang maaaring bumili at mangasiwa ng mga bakuna. Kailangan ng mga vaccine manufacturer ng Certificate of Product Registration (CPR) upang maibenta ito sa publiko. Ang mga pagbabakuna na nagsimula noong 2021 ay napabilis sa pamamagitan ng A Dose of Hope, na nagpapahintulot sa pribadong sektor na direktang bumili ng mga bakunang Covid-19, basta’t ang mga ito ay ibabahagi sa gobyerno.

“Kung wala pang CPR, ang pagbabakuna ng bivalent vaccines ay maaari pa ring gawin sa pamamagitan ng isang tripartite agreement tulad ng ginawa namin noon, ngunit sa pagkakataong ito ay mga pribadong ospital ang kasali,” sabi ni Concepcion.

Dagdag pa nin Concepcion, “Meron na tayong arrangement sa DOH na mag-pre-register ng mga empleyadong qualified sa priority sector. Pero sa mga wala sa priority sector pero handang magbayad para mabakunahan ng bivalent vaccines, dapat din natin itong ibigay sa kanila sa pamamagitan ng mga pribadong ospital.”

13

Related posts

Leave a Comment